NYOWL - 36 ☆

934 29 0
                                    





────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────

36th Episode

────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────



Ami's POV



Nagsimula sa maliit na spark.

Hanggang sa naging apoy. Kumalat nang kumalat sa kasuluk-sulukan ng katawan ko. Sa tyan, sa kamay, sa binti, sa leeg, sa mukha. . . hanggang mapunta sa dalawang labi ko na ginagamit ko lang para asarin siya. Tawagin siyang panget. Magkwento sa kanya. Umiyak sa kanya.

Pero never... Never kong naisip na gamitin yun para halikan siya.

Dahil sa dare.

Dahil sa dare na 'to, nagkabuhol-buhol ang mga tali sa puso ko, nagulo ang mga piraso ng puzzle na matagal kong binuo, at bumaliktad ang gravity sa mga sandaling yon. Sa mga sandaling. . .

Hinalikan ako ni Suho.

At alam kong dapat hindi 'to nangyayari. Na ang dapat na nasa lugar niya ay ang lalaking gusto ko. Si Jason. Bumukas ang mga mata ko at nasapul ako sa mukha ng realidad.

Agad kong nilayo ang mukha ko kay Suho, saka kinuha ang bote ng solution sa kamay ni Kyla. Binuhos ang laman sa mga kamay naming magkadikit. Nalusaw ang glue at hindi ko alam, basta alam ko tumatakbo ako papalayo. I think naririnig kong tinatawag nila ang pangalan ko. Pero wala akong marinig. Wala wala walang iba kundi ang bilis ng tibok ng puso ko.

Pano ko 'to nagawa? Pano ko siya nahalikan? Pano na 'to? Anong nangyayari sakin? Bakit sa sandaling yun. . . may naramdaman akong di ko dapat maramdaman? Pano na kapag-

Nalito ang puso ko?

Hindi ko kaya. Hindi ko kaya.

Tumakbo ako nang mabilis. Baka sakaling matakbuhan ko ang maraming tanong ng puso ko. Baka sakaling matakbuhan ko ang mga ala-ala.





────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────

Suho's POV

────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────


Tumahimik ang lahat sa mga sandaling wala na si Ami.

At naiwan akong nakaupo, nanginginig sa guilt. Hin. . .Hindi ko dapat ginawa yun. Nagpadala ako sa emosyon. Masyado akong nadala. Masyado akong nag-hold back at hindi ko nakayanan, kaya bumuhos. At alam kong mali. Maling maling mali. Dahil ngayon, kamumuhian na niya ako.

Mawawala na ang pagkakaibigan namin.

Sumasakit ang puso ko.

Hindi dahil sa realization kong yun. Kundi dahil nahalikan ko siya. And it felt... amazing. God, alam niyo kung gaano ko kinamumuhian ang sarili ko dahil masaya pa ako sa lagay na 'to kahit alam kong mawawala na ang lahat sa amin.

Not Your Ordinary White LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon