NYOWL - 18 ☆

1.3K 40 7
                                    




trigger warnings: slight gore, blood




────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────

18th Episode

[ Halloween Special Pt. 2 ]

────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────




Suho's POV

[ 5:56 P.M. ]


Palubog na ang araw. Kaya nagmamadali na kaming makarating dun sa mansyon sa taas ng bundok. Kaso nakarating kami sa isang bangin. Dead end.

And so, nag-iba kami ng direksyon hanggang sa nakarating kami sa isang cornfield sa gilid ng bundok. Buhat-buhat ni Macky ang natutulog na si Sofia sa likod nya.

"Um, Suho. . . Magdidilim na. Pano kung di tayo makaabot agad dun?" tanong ni Macky.

"..."  Di ako nagsalita.

Sa totoo lang, mababaliw na din ako sa mga nangyayari. Hindi ko alam kung totoo o hindi pa nga ba ang lahat ng 'to. Dalawa lang naman ang theory ko dito eh.

1. Mga kaaway namin sa kumpanya ang mastermind nito.

2. Pinagtitripan lang kami.

Pero sino? Sino ang insane na ilalagay kami dito sa isla para danasin ang mga 'to?! -__-

Naputol ang pag-iisip ko nang may mga uwak na lumipad mula sa mga di kalayuan. Napatingin ako sa taas, sa langit at sa mga lumilipad na mga ibon. Sa taas ng mga tanim na mais, hindi ko matukoy kung saan nanggaling ang mga uwak.

"Ano nanaman 'to," bulong ni Macky.

"Maglakad lang tayo. Wala lang yan." Nilakasan ko na lang ang loob ko at pinagpatuloy ang paglalakad. Sana malagpasan na namin ang cornfield. . . Ang creepy na eh. At wala pa naman kaming ilaw.

But then, may narinig kaming paggalaw sa likuran namin. Lumingon kami ni Macky. Wala naman. Ginising ni Macky si Sofia.

"Mabuti pa, takbuhin na lang natin 'to." sabi ko sa kanila.

"Bakit? Wala namang humahabol sa'tin ah?" –Macky

"Malay natin kung may biglang lumabas dyan at habulin tayo!! Isa pa, makakatipid tayo ng oras pag ganun. Mahirap nang abutan ng dilim."

Tumakbo na ako at sinundan ako ni Macky, si Sofia naka-angkas sa likod nya. Naka-ilang liko kami at patuloy pa din sa pagtakbo. Napapansin ko na. . . parang may kung anong pattern sa corn field.

Not Your Ordinary White LadyOnde histórias criam vida. Descubra agora