Epilogue ☆

1.4K 28 3
                                    





One month, three weeks.

Isang buwan at tatlong linggo na ang lumipas ever since matagpuan ko ang sarili ko sa rooftop na yun. Ang pakiramdam ko nun, para akong nagising sa isang mahabang panaginip. Heck, umiiyak pa nga ako eh! -__-  Hindi ko talaga maintindihan ang nangyari. Wala akong maalala.

Bakit ako nagpunta dun? Bakit ako umiiyak? Bakit pakiramdam ko nawalan ako ng kalahati ng kaluluwa ko? 

Bakit parang. . . may nawawala?

Wala akong maalala.

Nagtanong ako kina Cue kung nararamdaman din ba nila ang nararamdaman ko. Oo, sagot nila, parang may nakakalimutan ako. Ganun din si Nigel. Sabi pa nga ni Mam Inna, gabi-gabi daw niyang naririnig si Nigel na tinatawag ang pangalang 'Sofia' pero wala naman kaming kilalang Sofia.

Weird. Napaka-weird! Pero tatlong araw ang lumipas at nagbalik na kaming lahat sa dating gawi.

Nahirapan akong matulog.

Mananaginip ako tungkol sa isang babaeng naka-puti, hindi ko makita ang mukha niya bukod sa kanyang ngiti. Minsan, magigising na lang ako sa gabi na umiiyak. Hinahanap ang isang bagay na hindi ko naman mawari. Pilit na iniintindi kung bakit ako nalulungkot nang walang dahilan.

May mali talaga.

Minsan, may napupuntahan akong mga lugar na pakiramdam ko, napuntahan ko na. At sobrang nalulungkot ako twing mapupunta doon. Pakiramdam ko dapat may kasama ako doon. Pakiramdam ko, sobrang nag-iisa ako.

Isang araw, nag-ayos ako ng cabinet ko at nakakita ako ng isang litrato. Kuha ito sa tapat ng isang puno ng mangga. Napakasaya ng ngiti ko pero may kakaiba. Wala akong kasama sa litrato. There's too much space. Bakit ganun?  Sinadya ko ba talagang magpa-picture mag-isa?

Akala ko may depression ako.

Namimiss ko ang isang taong hindi ko naman alam kung sino. Tinanong ko si Macky kung may naka-relasyon ba ako if ever nalasing ako na hindi ko alam. Pero binatukan lang ako!! -__-  

"Pare, wala! Magkasama kaya tayo palagi sa office!" sagot niya.

One month, three weeks.

One month, three weeks akong ganito. Tulala. Mabigat ang loob. Malungkot. Walang gana. Hindi makatulog. Hindi makatawa. Lagi akong nakatulala sa kalendaryo, hinihintay ang araw na. . .

Na. . .

Na hindi ko alam kung ano nga ba ang hinihintay ko.

Nilibang ko ang sarili ko sa pagtatrabaho, pati sa pagtulong sa preparations ng kasal ni Sir Jason at Mam Inna. Ako ang best man.

"Sino ang maid of honor?" tanong ko kay Mam Inna.

Napaisip siya nang matagal. "Oo nga no? Actually, akala ko meron na akong maid of honor. Ngayon ko lang naisip na. . . wala pa pala. Weird." Tumawa siya at umiling-iling.

Not Your Ordinary White LadyWhere stories live. Discover now