NYOWL - 10 ☆

1.7K 51 225
                                    




────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────

10th Episode

────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────


Macky's POV


Hayys. -___- Kanina pa ako nabuburyo sa mansyon. Kaming dalawa lang ni Suho ang natira. Si Cue, pinuntahan yung pinoproblema nyang babae. Kung sino?? MALAY KO. Ayaw nya naman magkwento. Kahit si Suho, ayaw magsalita tungkol sa problema ni Cue.

Tsaka isa pa 'to eh!!! Kanina pa palakad-lakad sa harap ko na parang nagpapa-atras ng tae. -__-

"HUY MAUPO KA NGA! Nakakahilo ka, lalong sumasakit ulo ko," sigaw ko sa kanya.

Pero parang wala siyang narinig. -___-

"K-Kasi naman... pwede namang ibang babae na lang yung dalhin ni Sir Jason eh. Bakit si Ami pa?" May pakagat kagat pa siya sa kukong nalalaman. Eh hindi naman nya habit yan! Tss...

"Ako nga dapat ang mabadtrip eh. Dapat may date kami ngayon ni Ami kaso hindi natuloy. Tsaka oo nga! Andami namang babae dyan sa tabi eh. Ba't si Ami pa?" sagot ko naman.

Napaupo (finally!) si Suho sa tabi ko at tumingin sakin ng seryoso.

"Paano kung may gawin si Sir Jason sa kanya?" takot na tanong niya.

H-Huh?? O___O Masamang gagawin? Tulad ng... ki...ki....kiss....???!

"...*gulp*....Hindi pe-pwede yon," sagot ko. "May pangako pa sakin si Ami no. Gagawin pa nya akong lalaki! 100 percent na lalaki!"

"Yun na nga eh. Kaya hindi ako mapalagay," sabi ni Suho.

"Alam ko na. Sumunod na lang tayo dun sa party! Makakapasok naman tayo eh!" sabi ko. Tapos nagnod siya at nagbihis na kami.

Kaso pagkatapos ko namang magbihis-

"Macky, ikaw na lang pumunta. May gagawin pa pala ako... Kaya ikaw na lang."

Papaalis na ako ng kwarto nang makasalubong ko si Suho at yun ang sinabi niya. Huh? Ba't nagchange of mind 'to?? -___-

"S-Sige. Ikaw bahala!" sabi ko at bumaba na ng hagdan. Kelangan ko ma-agaw si Ami!



────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────

Suho's POV

────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────

Ang totoo nyan, pumunta ako sa kwarto ni Sir Jason para maghanap ng spare na invitation card. Just in case hindi kami papasukin. Pero habang naghahalungkat ako sa desk nya, may nakita akong isang folder. Eh sa nacurious ako (tao lang ^__^v), binuklat ko at nakita ko ang listahan ng mga taong nagngangalang Ami.

Not Your Ordinary White LadyWhere stories live. Discover now