NYOWL - 15 ☆

1.7K 51 6
                                    




────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────

15th Episode

────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────


- 1st Year College – Business Administration -


"Waaaah~ Narinig nyo ba ang balita? Magiging kaklase natin ang anak ng isang CEO?"

"Ang yaman daw nun sobra! May-ari ba naman ng mga bangko local at international?!"

"Oh my God. At ang hot pa daw niya. Ni-research ko ohh." pinakita ng babae ang tablet nya sa mga babae at nagsi-tilian sila.

"OMG! Andito na si Jason!!" sigaw ng isang babae at nagsitakbuhan ang lahat ng babae sa bintana para makasilip sa parking lot ng school. Pati ang mga lalaki nagsitingin din. Except sa isang ma-pimples na lalaki na nanatiling nakaupo sa upuan niya.

Tss. Ba't ba masyadong big deal yun? -__-   --  isip nung lalaking mapimples na si Sebastian Ulysses H. Ocampo aka "Suho".

Pinark ni Jason ang red na Ferrari nya sa parking lot sa tapat ng 'Reserved' na sign. Pagkatapos, flawless siyang lumabas sa sasakyan na nakasuot pa ng shades. Kumaway siya sa mga babae sa bintana na kulang na lang eh mahimatay sa kilig.

Gwapo. Matangkad. Maputi. Makinis. Cool. Lahat na ng malapit sa definition ng perfect ay ang qualities ni Jason Calimlim. Siya ang tagapagmana ng kumpanya nila. Kaya lang, ang tanging imperfection niya ay. . .

"Tae, one over fifty?! ONE OVER FIFTY!? TAE!!!" sigaw niya sabay tapon ng test paper nya sa ere. Nagaalala siya dahil pagagalitan nanaman siya ni Wendy, ang kanyang nanay.

Worse, kapag hindi pa siya nakapasa, ipapasira ang Ferrari niya at idodonate ang bakal sa mga basurero. -__-

Yung katabi naman niyang si Suho, ay tuwang tuwa dahil nakaperfect siya. Simple lang para sa kanya ang makaperfect. Lihim nitong pinagtatawanan si Jason sa isip niya.

Kaya after class, inabangan siya ni Jason sa labas ng classroom.

"Psst!!" sipol ni Jason kay Suho na kalalabas lang. Hindi siya pinansin nito. "Pssst!!!" Hindi pa din siya pinansin kaya hinabol niya ito.

"Hoy saglet!" iniharap niya ito sa kanya at nakita niya ang mga pimples nito. Medyo nagshiver siya sa itsura ng lalaki.

"Anong kelangan mo?" cold na tanong ni Suho.

"Ano um, malapit na kasi yung midterms eh. Itatanong ko lang dude kung pwedeng—"

"Hindi." At nagsimulang bumaba ng hagdan si Suho.

Hinarangan siya ni Jason. "Tol! Wala namang bastusan. Kinakausap ka ng maayos ohh!"

"Wala akong panahon para magtutor. Lalo na kung walang kapalit. Hindi ako gumagawa ng projects at assignments ng libre. Kaya stop wasting my time."

Not Your Ordinary White LadyWhere stories live. Discover now