NYOWL - 23 ☆

1.3K 36 5
                                    




────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────

23rd Episode

[ MacJul Sidestory Pt. 1 ]

────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────




Macky's POV



Nagpapasalamat ako na hindi na pinaalala ni Ami ang tungkol sa gabing yun.

Mga apat na araw na din ang nakakalipas at bumalik na kami sa normal. Hindi na siya gaanong awkward kahit nagpapa-cheesy ako sa kanya. Joke na lang kasi yun para sa kanya </3

Pero ewan ko ba sa nangyayari sa kanila ni Suho. Para kasing t*nga si Suho, hindi pinapansin si Ami. Siguro nangyari din sa kanya ang nangyari sakin.

Hahaha. Baka nga. Hindi ako manhid. Alam kong may gusto din si Suho kay Ami!! -__- Sayang, masaya sana imudmod sa mukha nun na kami na ni Ami. Kaso wala eh, basted din ako. Kaya tinuon ko na lang ang atensyon ko sa office. Daming trabaho lalo na malapit na ang Pasko!! >____<

Pagdating ko ng office, nakita ko lahat ng tao nakatayo. . . Ano 'to? May event ba? O___O Nakiraan ako sa mga tao at may isang babaeng nakatayo sa gitna kasama ni Manager.

"Ako po si Julie Cath Ocampo. Sana magkasundo po tayong lahat," nagbow siya at nagpalakpakan naman silang lahat. W-Wait lang!! Siya yung. . .

"Ang ganda ng pinsan ko diba?" biglang nag-appear si Suho sa likuran ko.

"B-Bakit andito yan?" tanong ko. Nakikita ko lang kasi siya sa mga pictures ni Suho sa laptop nya. Nakangiti pa rin na nakikipagkamay yung pinsan ni Suho.

"Pinadala siya dito galing abroad para magbago."

"Magbago? Baket? Drug addict ba sya?"

*PAAAK!

"Aray ko Suho!!" >O<

"Sira ka talaga!" tumingin siya sa pinsan niya. ". . .Tomboy kasi siya eh."

"Huh?" O___O

Tumingin ako sa magandang pinsan ni Suho at napansin ko nga. Parang uncomfortable siya sa skirt at heels niya. Pero bukod dun, hindi naman siya mukhang-

"Sigurado ka ba? Tomboy yan?" tanong ko na nagtataka pa din.

"...*shrug*...See for yourself." At umalis na si Suho.

Wow ha!! See for yourself pa more. -___-




────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────

Not Your Ordinary White LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon