NYOWL - 20 ☆

1.5K 54 9
                                    



────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────

20th Episode

────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────



Inna's POV

- Flashback -


"Iha," tawag sakin ni Tita Wendy after niyang makipag-usap dun sa umatake kay Jason. "Pwede bang silipin mo si Ami? Tingnan mo kung okay na siya?"

"Sige po." Nagnod ako at umakyat na sa taas para puntahan si Ami. Grabe ang ginawa niya. Sobrang hindi ko ineexpect ang nangyari. . .

Tulog naman siguro siya kaya hindi na ako kumatok. Dahan-dahan ko na lang pinihit ang pintuan para buksan pero agad ko nang narinig ang boses nila ni Jason sa loob.

"Okay ka na? Hindi ka ba nila sinaktan? After ko saluhin yung itak, may ginawa ba sila sa—"

Nanlaki ang mga mata ko nang yakapin ni Jason si Ami. "Wala na."

"H-Huy Jason. . . bakit mo ko-"

"Okay na ako. Dahil sayo, Ami. Okay na ako." Hindi ko maialis ang tingin ko sa kanilang dalawa. Nasasaktan ba ako? Akala ko kasi, magkaibigan lang sila. "Okay na tayo."

"H-Huh? Okay na tayo?" 

"Mmh." Yung ngiti ni Jason, iba. . .

"Talaga? Hindi ka na galit?"

"Magagalit pa ba ako, niligtas mo ang buhay ko?"

"YEY!!"  

Sinara ko na lang ulit ang pinto at mabilis na bumaba sa hagdan. Ano yun? Bakit ganun sila? Meron bang namamagitan sa kanila? Mali lang ba ang akala ko?

Tss... Hindi ba ikaw ang tumulak sa kanya palayo, Inna? Bakit ka nasasaktan ngayon? Ano naman kung makahanap na si Jason ng iba? Na ipapalit niya sayo?

"Ano, iha? Okay na ba si—"

"Opo. Okay na okay na siya." Mabilis kong sagot kay Tita Wendy sabay nilagpasan lang siya. Gusto kong mapag-isa. Gusto kong makapag-isip isip.

- End of Flashback -


────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────


Binuksan ko ang pinto ng office ni Jason at nakita ko siyang may kausap sa phone. Pagkakita niya sakin, binaba niya yun. "Oh, Inna? Bakit late ka? Yan ba ang gawain ng secretary ah?" nakangiti niyang biro. Pero hindi ako ngumiti.

"Ah alam ko na. Hindi ka nakatulog dahil sa Halloween no? Hay. Lahat tayo, hindi nakatulog ng maayos. Haha!" Tapos tumawa siya. Huh. I bet nakatulog siya ng maayos. After ba naman nila magkaayos ni Ami. . .

Not Your Ordinary White LadyWhere stories live. Discover now