NYOWL - 14 ☆

1.7K 45 1
                                    




────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────

14th Episode

────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────




Isa lang naman ang hinihiling ko.

Ang may magmahal sakin na hindi tumitingin sa itsura. Isang babaeng hindi ako gagamitin para gawin ang assignments at projects nya. Isang babaeng hindi ako ipagpapalit sa isang mas gwapong lalaki.

"Hahaha! Ayan na si Tigidig!" sigaw ng isang varsity player pagpasok ko ng hallway. Hindi ko na lang sila pinansin. Deretso lang ako sa paglalakad habang tinatapunan nila ako ng mga papel, balat ng candy, pinagtasahan, at kung anu-ano pang basura.

Sa apat na taon ko sa highschool, normal na yan sa umaga ko. Tigidig. Pangit. Freak. Iilan lang yan sa mga nicknames ko. Tadtad kasi ako ng tigyawat. Kung bakit? Ewan. Hormones ata.

Pumasok ako sa classroom at bumungad sakin ang isang matamis na ngiti ng isang babae. "Good morning babe," bati niya sakin. Slowmo na hinahangin ang buhok niya at parang nago-glow siya at may flowers na nakapaligid sa kanya.

Si Angelica. Siya ang liwanag ko sa dilim, ang silungan ko sa bagyo at tubig ko sa impyerno.

Hay -__- Umaarangkada nanaman ang pagka-makata ko.

"Hi babe," umupo ako sa tabi niya at ngumiti. Nakita kong nandiri ang mga nasa paligid namin. Pero wala akong pake.

"Um... nagawa mo ba?" tanong niya na nag-aalangan.

"Ah oo!" kinuha ko sa bag ko ang 100 page research paper ni Angel sabay abot sa kanya. Tiningnan niya ang mga page at ngumiti. "Pasensya ka na 100 page lang ah. Kaya ko pa sana hanggang 300 kaso ginawa ko pa yung Economics project at Physics assignment mo. Sorry talaga babe."

Hinawakan niya ang kamay ko at mas marami pa ang nagbulungan. "Okay lang yon babe. Ako nga dapat magpasalamat sayo eh. Dahil sayo, mukhang makaka-graduate na ako ngayong taon."

Ngumiti ako. Makita ko lang siyang masaya, masaya na rin ako. "Walang anuman. Basta para sayo, gagawin ko lahat babe."

Hindi ko kinakahiya si Angelica. Oo, sabihin nyo nang hindi siya matalino. Hindi ko din siya minahal dahil maganda at sexy siya. O kaya sikat siya. Minahal ko siya dahil sa tanang buhay ko, sya lang ang tumanggap sakin. Na isang pangit.

Ouch. -__- </3 Kahit ako ang nanlalait sa sarili ko, masakit pa rin pala.

Isang hapon, hinihintay ko si Angel sa bandang gate ng school nang madaanan ako ni Gino. Basketball varsity. Matangkad, chinito, maputi at gwapo. -__- Psh. Akala ko dadaanan nya lang ako nang biglang-

"AAAH!" napahiga ako sa lupa nang tamaan ako ng bola sa pisngi. Inayos ko ang salamin ko habang hinihimas ang cheek ko at tumingin sa kanya.

"Oops, sorry! Dapat patatamaan ko yung pader eh kaso hindi kayo madistinguish ng bola ko. Parehas kasi kayong...MAGASPANG. Hahaha!!" nagtawanan sila ng mga kaibigan niya.

Not Your Ordinary White LadyWhere stories live. Discover now