────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────
50th Episode
────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────
Ami's POV
Nakita ko ang sarili ko sa isang napakagandang greenhouse. Maraming mga bulaklak at halaman. Nilibot ko yon at andaming sumusunod sa'king mga paruparo. Ang gandaaaa~(◕‿◕✿) Para akong nasa paraiso.
"Tama ka, nasa paraiso ka."
Napalingon ako sa isang boses at nakita ko ang-
Ang sarili ko. . .
"Sino ka?" tanong ko sa babaeng kamukha ko.
"Ako ay ikaw. Ako din si Ami," sagot ng babae na nakangiti pero may iba sa kanya. Naka-itim siya na bestida. Ako naman nakaputi. May something na dark sa kanya. Pano siya nakarating sa paraiso?
"Paraiso ko 'to. Ang sarili kong paraiso," sagot niya na tila nababasa ang utak ko. May paruparong dumapo sa isang daliri niya. "Alam mo ba, Ami? Kung bakit ka nasa mundo?"
"H-Hindi."
"Hmmm. Hindi ba't nasa mundo ka para mabuhay?" Hinawi niya ang paruparo at lahat ng mga paruparo sa paligid ay naging mga uwak. Natakot ako.
"Hahahaha! Wag kang matakot! Hindi ka nila sasaktan," sabi ng babae.
"Ano bang kelangan mo?! Bakit ako nandito?!" sigaw ko.
"Nandito ka kasi ito ang tahanan mo. Kelangan kita Ami dahil ikaw ay ako. Ako ay ikaw. Iisa lang tayo. At kahit anong gawin mo. . . Hindi mo ko maaalis sayo."
"Ano?" naguguluhan kong tanong. Unti-unting nalalanta ang mga halaman sa paligid. Nagkakalamat ang salamin ng greenhouse at hindi ako makahinga. "Ano bang nangyayari?"
Lumungkot ang mukha ng babae. ". . .Malapit na, Ami. Malapit nang matapos ang lahat ng kasiyahang 'to. Malapit mo nang malaman ang katotohanan."
At sinugod ako ng mga uwak.
────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────"Ami!"
"Ami please, gumising ka!"
Dumilat ako at napayakap ako agad kay Suho. "Shhh. . . Masamang panaginip lang yun. Shh. . ." umiiyak na pala ako at sobrang higpit ng kapit ko kay Suho.
N. . .Nakakatakot.
Nakakatakot ang panaginip na yun.
Hindi ko alam kung anong ibig sabihin niya.
"Malapit na, Ami. Malapit nang matapos ang lahat ng kasiyahang 'to. Malapit mo nang malaman ang katotohanan."
ČTEŠ
Not Your Ordinary White Lady
Romance𝒞𝑜𝓂𝓅𝓁𝑒𝓉𝑒𝒹 🌸 Ako ay isang 𝘄𝗵𝗶𝘁𝗲 𝗹𝗮𝗱𝘆. Oo, white lady! Daig ko pa ang mga model ng shampoo sa haba ng hair ko. Akala nyo ba wala pang na-inlove sa'kin? Akala nyo lang yun pero meron, meron, MEROOOOONNNN!! (◡‿◡✿) informal storytellin...