NYOWL - 4 ☆

2.7K 80 770
                                    



trigger warning: homophobia/biphobia




────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────

4th Episode

────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────



"Diba sinabi ko na sayong wag mong pakikialaman yan?! LALAKI KA!! LALAKI! Puta, isaksak mo yan sa utak mong bata ka!"

Hindi nakatakas ang mukha ko sa mga sampal ng sarili kong nanay.

"Mommy please... Nasasaktan na po ako!" Umiiyak ako. Pero wala siyang pakialam. Ang mas mahalaga, hindi siya mapapahiya sa mga kaibigan niya. Ang mahalaga... sikat siya. Ang mahalaga, hindi masira ang pangalan niya.

"Daddy, bakit...? Daddy, bakit ba ako ganito?"

"Anak labanan mo," sabi niya sabay lagay ng kamay nya sa dibdib ko. "Labanan mo hanggang kaya mo. Kasi ayaw ng Mommy mo."

"Pero...*punas luha* Pero Daddy, gusto ko maging katulad mo po. Hindi po ba talaga pwede?"

Ngumiti sa'kin si Daddy. "Macky, wag mo kong tularan. Dahil ang mga tulad ko, hinahamak at hindi tanggap sa lipunan. Gusto mo ba yun?"

Yun nga ba ang ginusto ko?

"Gusto mo bang hindi ka respetuhin ng mga tao?"

Respeto? Yun nga ba ang kailangan ko?

"Gusto mo bang pandirian ka?"

Pandirian... Si Mommy ba nandiri rin kay Daddy kaya niya hiniwalayan?

"Gusto mo bang walang magmahal sayo?"

Pagmamahal...

Gusto kong maramdaman... ang tinatawag nilang 'pagmamahal'.




────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────

Macky's POV

────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────

Buti na lang at nagawang i-extend ni Mam Inna yung meeting ni Sir sa mga foreign investors!! Phew!! (>  3 <)  Kung hindi, lagot si Sir kay Madam Wendy! Matindi pa naman magalit yon. Nakakatakot. Mas nakakatakot pa kay Ami. -___-

After ng meeting, di ko na naabutan si Sir. Balita ko, hinila siya ni Mam Inna somewhere. So that leaves me and Cue some free time. :) YEHEY!! HAHA!

"San mo gusto pumunta, Cue?" tanong ko.

"Ako? Um, gusto ko sana pumunta sa gym." Sa gym?? O___O  "Gusto mo sumama sa'kin?"

Not Your Ordinary White LadyWhere stories live. Discover now