NYOWL - 46 ☆

665 20 0
                                    




────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────

46th Episode

[ JaNa Sidestory Pt. 1 ]

────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────



Inna's POV



Calimlim's Residence, 7: 10 PM . . .


"Sigurado ka ba? Apat araw ka nang di umuuwi sa inyo," nag-aalalang tanong ni Jason sakin. Umiling lang ako.

"Sinabi ko na rin kay Daddy na okay lang ako. Tinawagan na rin niya ako at tinanong kung nasan ako."

"Anong sabi mo? Alam niyang andito ka sa mansyon?"

Nagnod ako. "Pasensya ka na. Um, ayaw ko pa kasing makita si Mommy ngayon. Hindi ko kasi alam kung pano ko ie-explain sa kanya ang lahat. Pati ang engagement natin."

Hinawakan ni Jason ang mga kamay ko. "Wag kang mag-alala. Bukas na bukas, puntahan natin ang parents mo. Ipaalam na natin sa kanila." Ngumiti siya to encourage me.

And I smiled back. Totoo nga, kapag kasama mo ang mahal mo, nabibigyan ka ng lakas ng loob.

"Jason! Anak!" Narinig ko ang panicked na boses ni Tita Wendy.

"Bakit po?" tumayo kami ni Jason mula sa pagkakaupo sa sofa.

"Nandito ang Mommy ni Inna."

"Ho?!" O____O  Si Mommy. . .

"Nasan ang anak ko?! ILABAS NYO ANG ANAK KO!!" narinig ko ang sigaw ni Mommy mula sa labas ng mansyon. Agad akong lumabas at nakita ko si Mommy na papasugod.

"Mommy," bulong ko.

"Inna. . ." Halata sa mukha ni Mommy ang relief at pag-aalala nang makita ako. "Ano bang ginagawa mo dito sa pamamahay nila?!"

"I. . .I'm sorry Mommy, pero-"

"Umuwi na tayo, halika na!" sigaw niya as she held my wrist and tried to drag me away. Pinigilan ko siya.

"Mom, please. Makinig ka muna sakin?" pagmamakaawa ko.

Nilingon niya ako na iritado dahil ayaw kong sumama.

"Um, ano po, kami ni Jason- Um,"  nauutal kong panimula. Bakit nawawalan na ako ng lakas ng loob ngayon?! >___<   "Kasi. . ."

"Save the explanations, Inna. Gusto ko lang makauwi na tayo now that you're safe."

"IKAKASAL NA AKO KAY JASON!" bigla kong naisigaw.

Tumigil ang oras.

"Ano. . ?" tanong ni Mommy.

Not Your Ordinary White LadyKde žijí příběhy. Začni objevovat