NYOWL - 48 ☆

893 28 0
                                    




────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────

48th Episode

[ JaNa Sidestory Pt. 3 ]

────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────




- Flashback -

Hawak hawak niya ang pregnancy test at lumuha siya nang makita itong positive. Naisip niyang ipalaglag ang bata dahil paniguradong masisira ang lahat. Lahat lahat. Kapag nalaman nila. . .

Pero nangibabaw ang takot niya sa Diyos. Hindi niya kayang patayin ang sarili nyang anak. Kahit pa- Kahit pa tinanggihan siya ng ama ng bata, kelangan niyang alagaan ito.

Kahit pa itago nyang sikreto ang lahat.


────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────


"Buntis ka, Wendy?!" masayang tanong ni Jack sa kanya.

"O-Oo," napilitan siyang ngumiti.

"M-Magiging. . . ama na ako?" Sobrang nasasaktan si Wendy para sa fiance niya. Aaminin niyang may nangyari sa kanila sa saglit na nagsama sila kahit di pa sila kasal. At kasalanan niya yun. Akala na ng lalaking ito. . . na anak niya ang nasa sinapupunan ni Wendy pero-

Hindi naman niya inaasahan na may maiiwang bunga ang relasyon niya sa ex niya. Kaka-break lang nila nang ma-engage siya kay Jack. At di rin niya inaasahan na mahahalin niya si Jack nang lubos. Kapag nalaman niya. . .

Baka iwan siya nito.

Kaya minabuti niyang itago ang sikretong iyon.

Nagpakasal sila at namuhay nang masaya. Pinanganak niya ang isang lalaking sanggol at pinangalanan itong Jason. Minahal at iningatan siya ni Jack na parang tunay na anak. Nasasaktan si Wendy kada makikita niyang lumaki si Jason na masaya kasama ng ama. Isang pekeng ama.

Isang araw, nakipagkita ang ex niya sa kanya.

"Ano?! Binabantaan mo ba ako?!" sigaw ni Wendy sa lalaki.

Ngumisi ang lalaki. "Wendy naman. Humihingi lang naman ako ng kaunting pera eh. Kapag pinagbigyan mo ko, walang makakaalam ng maliit mong sikreto."

Dumabog si Wendy sa mesa. "Anak mo ang batang yon! Pano mo nagagawa 'to!? Tinalikuran mo na nga siya tapos ngayon—"

"Mas malala ka pa. Nagsisinungaling ka sa anak mo! Pinapaniwala mo silang lahat, lalo na ang asawa mo na anak nya yun. Pero hindi!"

"Walangya ka!"

"Bigyan mo ko ng pera na hinihingi ko. Tapos ang usapan. Walang masisira. Mananatili ang lahat na sikreto."

Simula nun, lagi siyang nakikipagkita sa ex niya para magbigay ng pera. Ni minsan, hindi nito kinamusta ang lagay ng anak nila. Basta maabutan ito ng sobre, aalis na siya. Kaya naman, naghinala ang nanay ni Jack sa laging pagkawala ni Wendy sa bahay.

Not Your Ordinary White LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon