NYOWL - 19 ☆

1.3K 45 4
                                    




────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────

19th Episode

[ Halloween Special Pt. 3 ]

────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────



Ami's POV


Nagising na lang ako sa isang lumang bodega na may lightbulb na nakasabit mula sa kisame. Pagkatapos kong mag-pass out kanina, wala na akong maalala. Ngayon, nakasandal ako sa malamig na dingding. Si Nigel, natutulog sa gitna namin ni Jason. Teka- Nasan kami?

"Buti nagising ka na," mahinang sabi ni Jason.

"Um. Matagal ba akong nakatulog?" tanong ko.

"Di ko rin alam. Mukhang iniwan na tayo nung mga bantay eh." Ngumuso siya sa isang pinto. Naka-kandado ito. "Ayaw din naman nila akong sagutin sa mga tanong ko."

"Jason, anong ginawa nila sayo?!" tanong ko sabay haplos sa mukha niya. May pasa siya malapit sa mata at pumutok ang gilid ng labi niya. Inalis nya ang kamay ko.

"Wala 'to. Pag ako nakatakas dito, ibabalik ko din 'to sa kanila. Tch."

"Mmh. . . Nilalamig ako," sabi ni Nigel habang nakapikit. Oo nga pala, naulanan nga pala siya kanina. Nilapit ko siya sakin at niyakap ko sabay rub ng mga braso niya. Si Jason naman, nagtanggal ng coat at pinatong sa bata.

"Ikaw?" tanong sakin ni Jason. "Okay ka lang. . ?"

"Ha? Ah eh. Oo, okay lang naman ako." Masakit lang ang ulo ko sa kakahampas sakin kanina. T__T

Nag-move closer samin si Jason at nagulat na lang ako nang nilagay niya ang isang braso nya palibot sakin. "Sinungaling. Nanginginig ka nga sa lamig eh." Tapos hinila niya ako palapit sa kanya at yung isa pa nyang braso ay pumalibot din sakin.

Yakap na niya ako.

O//////O *blush~*

Um... *tingin kay Jason* Diba galit siya sakin? Bakit. . .

Tumingin siya sakin at sumimangot. "Ginagawa ko lang 'to dahil malamig, okey?" Lumingon siya sa iba at lumunok. "Wag kang mag-isip ng iba."

"Ah. . . oo." Nagnod ako at nilayo ko na din ang tingin ko.

Slowly, gumapang ang init ni Jason at nilipat ko yun kay Nigel. Tama. Walang ibang kahulugan 'to. Ginagawa lang nya to dahil kailangan namin ni Nigel. Pero bakit ayokong kumalma?

Ano bang ginagawa mo sakin, Jason...?




────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────

Nigel's POV

Not Your Ordinary White LadyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora