NYOWL - 44 ☆

687 22 1
                                    




warnings: intimate/mature scenes ahead



────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────

44th Episode

[ Kye Sidestory Pt. 2 ]

────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────



Cue's POV



Napadpad kami ni Kyla sa isang malayong village sa countryside.

Tumakas kami. Oo, tumakas kami sa mga magulang niya para lang magkasama. In a way, pakiramdam ko mali talaga ang ginagawa namin. Pero kapag hawak ko ang kamay ni Kyla. . . Everything feels right.

Na parang wala kaming ginagawang masama.

Ngayon, nakaupo kami sa gitna ng isang flower field habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw. Nakapatong ang ulo niya sa balikat ko.

"Eh bakit mo ba ako dinala dito, mahal ko?" tanong niya. Atat masyado?! ^__^ hahaha! Gusto ko makita ang reaksyon niya once na gawin ko ang plano ko.

"Hintay lang. Chill!" tapos hinila ko siya palapit sakin. "Naalala mo ba nung sinabi mong gusto mong magpropose ako sayo sa lugar na 'to?"

"Huh? Kelan ko sinabi yun?" -Kyla

"Nung college ka pa. Nakita mo ang lugar na 'to sa isang magazine tapos ayun. Sinabi mo saking dito dapat ako magpropose sayo."

"Oh tapos?" ngiti niya.

"Gusto ko sanang magpropose sayo."

Mukha siyang nagulantang sa sinabi ko, pero agad siyang umayos ng upo at nagpanggap na parang di siya nagulat. "Baket, may dala ka bang singsing?"

"Um- wala eh," sabi ko.

Di siya agad nakapagsalita kaya napatawa na lang ako.

"HAHAHA! Joke lang no!!" Lumayo ako sa kanya nang konti tapos may dinukot sa bag. Nagclose fist ako habang pinapakita sa kaniya. "Ready kaya ako sa araw na 'to. . ."

Binuksan ko ang kamay ko at may dalawang singsing dun. Biglang natigilan si Kyla.

"P-Pasensya ka na ah. Wala akong pera pambili ng totoong singsing." Sa totoo lang, meron na akong nabili pero malay ko bang magtatanan kami ngayon!! >___< "Cheap lang yan pero papasa naman diba?" kinuha ko ang kamay niya at hinigpitan ang kapit doon. "Kyla, magpakasal tayo."

". . .K-Kasal?"

"Mmh. Matagal ko nang pinangarap 'to at ikaw lang ang nais kong makasama. Kaya. . . kung gusto mo, pwede mo ba akong pakasalan?" Nakatitig sakin si Kyla with those eyes. Teary eyes. Gusto kong punasan yung nagbabadyang luha. And. . . I really want to marry her right now. Right here.

Not Your Ordinary White LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon