NYOWL - 55 ☆

1K 18 1
                                    





────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────

55th Episode

────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────




Ami's POV


Nagpunta kami ni Suho sa isang ospital kinabukasan ng hapon. Tahimik lang kaming dalawa. Hindi ko pa rin maisip kung paanong hindi pa ako patay. Ano bang ibig sabihin nun? Kung ganon. . . All this time, hindi pala ako multo?

Half-multo lang? -__-

Char.

Magkaka-headache lang ako kakaisip.

"Handa ka na ba sa makikita mo, Ami?" tanong ni Suho nang tumigil kami sa isang pinto. Nakatalikod siya sakin kaya hindi niya ako nakitang umiling.

Hindi pa. Hindi pa ako handa. . .

Pero binuksan pa rin niya ang pinto at tumambad sakin ang isang nakaratay na babaeng kamukhang kamukha ko.

. . .Ah- Hindi.

Ako siya. Siya ay ako. Iisa kami. Ako yan. . . Ako ang nakaratay diyan sa kama na kinabitan ng maraming tubo para lang mabuhay.

"Hindi ka pa patay, Ami. Nasa coma ka," sabi ni Suho at hindi pa rin binibitawan ang kamay ko. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Gusto kong umiyak. Gusto ko din maging masaya.

Buhay pa ako. May pag-asa pa. . . Sa huli, tumulo ang mga luha ko. Sapat na yun.

Kung ito lang pala, gusto ko nang bumalik ulit sa katawang iyan. Gusto ko na ulit mabuhay.

"Excuse me," biglang may nakiraan na nurse sa aming dalawa. Hindi niya ako nakita, si Suho lang. Pinanood naming ang nurse na i-inspect ang katawan ng babae- I mean, ang katawan ko.

Tapos may mga dumating na doktor at nakiraan din. "Ah iho, bisita ka ba ng pasyente?"

"Ah, opo. . ." sagot ni Suho.

"Mabuti naman nandito ka. May official witness. Ahm, nurse? Kamusta ang pasyente?"

"Unti-unti na pong bumababa ang heart rate," sagot ng nurse.

Bumababa? O__O Bakit? Dahil ba andito ang kaluluwa ko malapit sa kanya?

"...*sigh* Wala na tayong magagawa. Ayon sa kontrata na pinirmahan ng tatay niya, isang taon lang ang life support sa pasyente."

Nanlamig ang buo kong katawan sa narinig. Pati si Suho, natigilan at parang estatwa sa mga narinig.

"Pakibalita na lang sa tatay niya ang gagawin namin, iho," sabi ng doktor.

Not Your Ordinary White LadyWhere stories live. Discover now