NYOWL - 29 ☆

959 23 0
                                    




────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────

29th Episode

────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────




Inna's POV




Alam ko lahat ng sikreto niya.

Magmula sa takot niya sa paniki hanggang sa tatay niya. Alam ko lahat ng pangarap niya. Alam ko dahil isa ako dun. Sinulat niya ang Inna sa listahan niya.

"Ako nga pala si Jason!" sabi niya kasama ng isang ngiti. "Ikaw, anong pangalan mo?"

"...I-Inna."

"Gusto mong maging magkaibigan? Hihi." ^___^

Highschool. June 10. Iyon ang araw na pinasok niya ang kumplikado kong buhay. Wala akong ibang naging kaibigan kundi siya lang. Hindi kasi ako magaling dun. Pero si Jason, sikat. Pati ata mga santan at dahon sa school garden, kaibigan din niya eh -__-  Parehas din kasi kaming anak mayaman kaya nagkaka-intindihan kami.

Si Jason. Siya ang definition ng 'corny'. Synonym din siya ng 'masaya', 'kengkoy', 'comedy'. Lagi niya akong napapatawa. At ni minsan, hindi ko siya nakitang umiyak. Akala ko wala siyang problema sa buhay. Pero nagkamali ako. Katulad ko din pala siya. . .

Isang hapon, pagkatapos ng uwian, bigla siyang tumakbo papalabas ng classroom papunta sa kung saan. Hinabol ko siya.

"Jason! . . Jason!" tawag ko habang papasok sa loob ng gym kung saan siya nagpunta. Nag-echo ang boses ko sa laki ng gym pero agad kong napansin ang isang figure na nasa isang sulok.

"JASON!"

Hindi ko inaasahan ang nakita ko.

May hawak siyang papel, nakatalikod sakin at nakaupo sa sahig sa pinaka-gilid ng gym. Tapos. . . umiiyak siya. Halos i-crumple na nya ang papel.

Tinapik ko siya sa balikat. "Jason, ano bang nangyayari? Bakit ka umiiyak dyan?"

Matagal siyang di sumagot kaya umupo na lang ako at magkatalikuran kami. Tinutulak niya pabalik sa ilong nya ang sipon at tinanong, "Pwede mo ba akong gawan ng essay?"

"Huh?!" O___o   sa sobrang gulat ko sa tanong niya, napalingon ako agad. "Er, yun lang ba ang iniiyakan mo??"

Nag-nod siya.

"Akin na nga. . ." dahan-dahan kong kinuha ang bond paper sa kanya at kinuha ang isang ballpen sa bulsa ng skirt ko. Humarap siya sakin at gusto ko na lang matawa sa itsura niya!! Haha! Parang ewan kasi. "Oh? Ano ba yung topic? Essay lang pala, iniiyakan mo na!"

Tahimik siya, tumutulo pa rin ang mga luha. ". . .Tungkol sa Father's Day."

Natigilan ako. Nawala ang ngiti sa mukha ko. "F-Father's Day?"

Not Your Ordinary White LadyWhere stories live. Discover now