NYOWL - 1 ☆

3.7K 106 411
                                    




────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────

1st Episode

────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────



"Wala na bang itatagal yan?! Aba nakakainip na ah."

"S-Sorry po, Sir Jason."

"Tss. Dalian mo na lang."

Nagising ako sa mahimbing kong tulog. Haha! As if naman natutulog ang mga multong gaya ko. Well, oo! Syempre napapagod din kaming mag-gala sa gabi no! -__- Charot. Hay nako, bakit ba may ingay sa baba ng mansyon?

Luh, robbers yan?

Pumunta ako sa may grand staircase at nakakita ako ng tatlong lalaki. ( ಠ◡ಠ )  Bakit may mga tao dito? Eh kaya nga dito ako nagi-stay dahil abandonado na 'to eh?

"Oy, Suho!" tawag ng isang naka-coat and tie na lalaki. Wew, init ng suot niya.

"Bakit po, Sir Jason?" tanong ng naka-salamin na lalaki sa kanya. Mukha itong matalino dahil sa mga files at briefcase nyang dala. Sa anime, malamang ito yung nerd type.

"Sigurado ka bang walang history ang bahay na 'to? I mean, walang murder or something?"

M-Murder?! Luh.

"Sure po ako," itinaas ni Suho ang salamin niya. "Wala pong masamang background ang mansyong ito. Sadyang nalugi lang ang may-ari nito dati sa business niya kaya binenta."

"Ok. Good." Sabi nung Jason.

Tapos biglang may takot na takot na lalaking lumapit kay Jason. Cute cute niya, omg. Kawaii! (〃^∇^)ノ "P-Pero Sir, sigurado ba kayo? Eh marami namang ibang mansyon dyan eh. Balita ko kasi, may white lady daw malapit dito."

White lady!? Ako ba pinag-uusapan nila? Emeghed, peymus! (¬‿¬)

Tumawa naman si Jason. "Ano ka ba, Macky! Tanda tanda mo na, naniniwala ka pa sa multo?"

"E-Eh kasi naman..."

May isang lalaking maganda ang katawan at ma-muscle ang biglang lumabas mula sa kusina. Oh, apat pala sila?! 

"Nilibot ko na po ang lugar, Sir Jason. Mukhang maayos naman ang mga gamit at wala naman pong threat," report nito kay Jason na naka-bow pa. Ano 'to?! Anak ba 'tong Jason ng mayamang angkan?

"Mabuti kung ganon. Nice job, Cue."

Pinagmasdan ko lang sila at unti-unti akong bumaba ng hagdan hanggang sa face to face na kami ni Jason. Hindi niya ako nakikita. Dahil umaga pa lang.

Tiningnan ko siya sa mata. At nakatitig din siya sa mga mata ko.

"Ibenta nyo na lahat ng gamit. At palitan nyo. Ipaayos niyo na ang lahat sa paglipat ko dito mamayang gabi."

Not Your Ordinary White LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon