NYOWL - 27 ☆

1K 24 3
                                    




────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────

27th Episode

────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────


Pinalo ako ni Mommy sa kamay.

"Mali. Ulit!" kalmado ngunit galit niyang utos.

Tumugtog ulit ako ng piano. Ang pyesang ipi-present ko sa Academy bukas. Bawal mapahiya. Bawal magkamali ang batang tulad ko.

Mali ang napindot ko.

"Mali!" isa nanamang palo sa kamay.

Pinigilan kong lumuha. "Wag mo kong iyakan, Inna. Simpleng pyesa lang yan at isang linggo mo na yang inaaral."

Perfection.

Hindi papasa kay Mommy ang pwede na. Perfect. Perfect dapat.

"Ulit!!"



────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────

Inna's POV

────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────

Pinagmamasdan ko si Cody mag-painting. Nasa terrace kami ng bahay ko. Napaka-relax niyang tingnan dahil parang expert na expert na talaga siya sa ganitong bagay. Nahuli niya akong nakatingin at ngumiti siya. Lumalabas ang dimples niya.

I smiled back.

"Matagal pa ba yan?" tanong ko.

"Malapit na, princess."

"Wag mo nga kong tawagin nun. Ang corny mo." Tumawa ako at uminom ng tsaa.

"Ang presko dito sa mansyon nyo. Nakaka-enjoy huminga," sabi ni Cody, focused sa canvas niya. Hindi ko makita ang pine-painting niya.

"Talaga? Nakaka-suffocate nga eh," binulong ko ang last part.

Nag-smirk lang si Cody.

Ilang araw pa lang kaming nagba-bonding butI must say, I quite like him. Pero hindi yung tipong romantically. Like a bestfriend. Never pa akong nagkaroon ng ibang lalaking kaibigan bukod kay-

Kamusta na kaya ang lalaking yun?

"Ayan. Perfect." Ngumiti si Cody sa gawa niya, tapos pinalapit niya ako. "Pwede mo nang tignan, princess!"

"Stop with the princess! -__-" at lumapit ako.

Portrait ko. . .

Mukha ko na nakangiti. Suot ko sa painting ang suot ko nung una kaming nagkita. Napakaganda. Grabe. O___O

"Naaalala mo pa pati ang damit ko?" tanong ko.

Not Your Ordinary White LadyWhere stories live. Discover now