NYOWL - 51 ☆

858 27 1
                                    




────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────

51st Episode

────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────



Dumilat siya at nakita nanaman niya ang babaeng kamukha niya. Nakaupo ito sa isang mahabang couch at kumakain ng ubas.

"Ikaw nanaman?" bulong ni Ami.

"Oo. Sabi ko nga sayo diba? Hindi mo ko maaalis sayo," relax na sagot sa kanya.

"Sabihin mo nga sakin. Alam mo ba ang nangyayari? Alam mo ba ang dahilan kung bakit nasa mundo pa akong pagala-gala?" tanong ni Ami na seryoso.

Tiningnan siya ng kamukha niya at napangiti. "Hindi mo talaga matandaan?"

"Kung natatandaan ko, edi sana hindi ako nagtanong sayo!"

"Relax. Hahahaha! I was just teasing you." Tumayo ang babae at hinawi ang buhok niya. Lumapit siya kay Ami hanggang malapit na ang kanilang mga muhkha.

"Bakit ka lumalayo sa kanya? Hindi ba dapat mas sinasamahan mo siya ngayon?" nagtaas ang babae ng kilay.

"Ha? Deretsuhin mo na nga ak--"

"Tsk tsk tsk, Ami. The time will come. Wag kang magmadali. You want him to forget you, right? Para hindi na siya masaktan? Well, kapag namayapa ka na, makakalimutan ka na rin naman ng lahat."

"Pero hindi na ako pwedeng bumalik," sagot ni Ami.

"If that's what you want." At narinig sa buong kwarto ang halakhak ng babae. "You love that guy, don't you?"

"Huh?" lumingon si Ami sa babae.

"Yung lalaking yun. Ayaw mo siyang iwan. You've fallen for him, haven't you?" ngumiti nang nakakaloko ang babae.


────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────


"HAAAAAAAAAA?! What do you mean NAWAWALA?!" sigaw ni Wendy sa caretaker ng bahay.

"Sorry Ma'am. Di ko po talaga alam kung nasaan na yung mga DVDs eh. Bigla na lang pong nawala lahat," sabi ng katulong. Agad namang umakyat si Wendy sa kwarto para kunin yung personal copy nya ng Halloween Movie pero nawawala din ito.

Nagsisisi siyang di siya nagtago ng softcopy. T___T


Meanwhile, sa mansyon ni Jason. . .

"Saan nagpunta yong babaeng yon?!" sigaw ni Macky. "Aga-aga nawawala!"

"Baka naman pinuntahan si Sir Jason or si Mam Inna?" suggest ni Cue.

"Nawawala din yung alaga niyang vacuum cleaner," sabi ni Suho.

Not Your Ordinary White LadyWhere stories live. Discover now