NYWOL - 56 ☆

1.2K 27 1
                                    




────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────

56th Episode

────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────


Amoy sunog na goma at usok. Nakahilata sa basang kalsada ang dalawang taong duguan. Ang isa, walang malay. Sobrang dami ng dugong umaagos sa ulo nito. Ang isa nama'y may helmet pero mukhang napuruhan din.

 "Ami. . ." Umiiyak ang lalaki. Nanginginig niyang inabot ang babae.  "G-Gising. . ."

Tunog lang ng ulan ang bumabasag sa katahimikan.

"Ami-"

Hindi na siya gigising, sabi ng konsensya niya. Pinatay mo siya dahil sa kapabayaan mo. Hindi na siya gigising. Umaagos ang dugo kasabay ng tubig-ulan.

"Gising," nagmamakaawa ang lalaki.  "Ami. . .!"

Tuluyang nawala ang lakas niya at nawalan siya ng malay.


────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────


Sinugod sa magkahiwalay na ospital si Ami at Jason, dahil na rin sa kagustuhan ni Wendy. Naupo siya sa gilid ng kama ni Jason, hawak ang kamay ng anak niya habang umiiyak.

May isang lalaki sa gilid niya. "Madam, ano po ang sasabihin namin sa media?"

Desidido si Wendy. "Walang makakaalam tungkol sa babaeng kasama niya. Sabihin nyong naaksidente ang anak ko dahil sa kapabayaan ng isang sasakyan."

"Yes, Madam." Aalis na sana ito pero bumalik siya. "Um, nalaman na rin po namin kung sino ang kasama niya at kung bakit sila magkasama-"

"Wag mo nang sabihin." Hindi lumingon si Wendy. "Wala akong intensyong makilala ang babaeng yon. Mas makakatulog ako nang maayos kung hindi ko na siya kilala."

"...."

"Anuman ang ginagawa niya kasama ng anak ko, wala na akong pakialam. Basta ang mahalaga, gumaling na si Jason. Magbalik na ang anak ko. . ."


────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────


Sumugod agad ang ama ni Ami sa ospital nang malaman ang nangyari. Umiyak ito nang umiyak. Kasalanan niya ang lahat. Inaayos lang niya ang lahat para bayaran ang mga utang niya gamit ng lahat ng perang meron siya pero-

Ang anak niya. . .

Ang kaisa-isa niyang anak-

"Ibibigay ko lahat ng pera ko, panatilihin niyo lang ligtas ang anak ko. Wag lang siyang mamatay- Wag lang siyang mawala sakin," pagmamakaawa niya sa management ng ospital.

Not Your Ordinary White LadyWhere stories live. Discover now