────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────
32nd Episode
[ Christmas Special Pt. 2 – SuMi ]
────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────
Ami's POV
Kinaladkad ko si Suho papunta sa swimming pool sa likod ng lodge. At ayon na nga! Nakita ko ang mga salarin sa nangyari samin ni Suho!! >___< Aba at talaga nga namang nag-eenjoy silang lahat sa pool! May water-guns sina Sofia at Nigel at naghahabulan. Nagsi-swimming sina Jason at Inna, nagva-volleyball naman sina Macky, Julie, Cue at Kyla sa tubig.
Talaga nga naman! >____<
"KYLAAAA!!" tawag ko sa kanya habang papalapit sa pool.
"Oh?! Gising na pala kayo!" ngiti niya samin.
"Ano 'to!" sabay pakita sa kanya ng magkadikit naming kamay ni Suho. Mukha kaming magka-holding hands.
"Pfft—Yan ang punishment nila?!" sabi ni Macky. "BRILLIANT!!" ≧◡≦
"Anong brilliant?! Hintayin mong makawala ako! Ilulublob kita sa pool!" sigaw ni Suho sa kanya.
"Tanggalin nyo 'to! NGAYON NA!" sigaw ko.
"Nope~ No way~ Punishment nyo yan kaya panindigan nyo!" sabi ni Kyla na natatawa. >___< Wala talagang nakikinig sakin!
"Oo nga! Para magbati na kayong dalawa!!" sigaw naman ni Jason na halatang pinagti-tripan kami. HAY NAKO!!
"Hindi nyo naiintindihan!! Ayokong kasama 'tong lalaking 'to," sabi ko sabay glare kay Suho.
"Aba!! Parang gusto ko din kasama ka ah!" sagot naman niya.
"HASUS!! Pakipooooot!!!" :P <--asar ni Cue.
"HEH! MANAHIMIK KA!" naka-pulot si Suho ng water gun sa mesa sa likod nya at binasa-basa si Cue.
"Sige na please! Dali na kasi, hindi ako nagbakasyon para lang ma-glue sa lalaking 'to!" sabi ko.
"Suho ang pangalan niya, Ami!! HAHAHA!! Yiieeee~ Holding hands~" asar naman ni Julie.
"Hoy magtigil ka nga Jules!" namula si Suho. "Kung ikaw kaya—"
"Tama na ang daldal!!" –Nigel
"Swimming time!!" –Sofia
Hindi namin namalayan na nasa likod na namin ang dalawang bata at bigla na lang kaming tinulak na dalawa ni Suho papunta sa pool! O__________O
"AAAHH!!!"
SPLASH!
Kumampay-kampay ako na para akong balyenang naghihingalo. WAAAH! Pumapasok sa bibig ko ang tubig! >O< HELP ME! HELP ME! MALULUNOD AKO! HELP—
आप पढ़ रहे हैं
Not Your Ordinary White Lady
रोमांस𝒞𝑜𝓂𝓅𝓁𝑒𝓉𝑒𝒹 🌸 Ako ay isang 𝘄𝗵𝗶𝘁𝗲 𝗹𝗮𝗱𝘆. Oo, white lady! Daig ko pa ang mga model ng shampoo sa haba ng hair ko. Akala nyo ba wala pang na-inlove sa'kin? Akala nyo lang yun pero meron, meron, MEROOOOONNNN!! (◡‿◡✿) informal storytellin...