NYOWL - 35 ☆

1K 25 1
                                    





────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────

35th Episode

[ Christmas Special Pt. 5 – JaNa ]

────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────



Inna's POV



Only child.

Parehas kami ni Jason na only child.

Pero meron kaming kaibahan. Magulang. Para kaming dalawang halaman sa dalawang paso. Parehong diniligan. Pero ang isa, nasa araw. Ang isa, nasa loob ng cabinet. Yung naarawan, tumubo at berde ang mga dahon. Ang isa, nalanta at namatay.

Ako ang nalanta.

Dahil pinalaki ako sa mga rules na hindi pwedeng hindi sundin. Wala akong kalayaan. Wala akong privilege na pumili. Ang kasiyahan ko ay nakabatay sa desisyon ni Mommy.

Pero si Jason. Nakita ko kung gaano siya kamahal ni Tita Wendy. Malaya. Basta masaya siya, susuportahan ang bawat galaw niya. Kapag may mali, hindi pinapalo sa kamay. Kundi pinagsasabihan nang maayos.

Minsan, naisip ko: Investment lang ba ako ni Mommy?

Mahal niya ba talaga ako?

Pinag-aral, pinag-bihis, in-enroll sa maraming lessons para maging katulad niya? Sabi niya magiging masaya din ako balang araw. I wonder. . . kung kelan ang 'balang araw' na yun. Kapag may anak na ako sa taong hindi ko naman mahal?




────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────


"Ano bang sinasabe mo!" sigaw ni Jason sa matronang fortune teller.

"Jason, ano ba-" bulong kong natatawa sa kanya. PFFT. Pano ba naman kasi!! After magswimming, hinila niya ako sa park para magpa-hula daw!

"Magkakatuluyan kaya kami!" inis na sabi niya.

"Iho. Iyon ang nabasa ko sa baraha. Hindi kayo papalarin sa pag-ibig. At hindi ko kasalanan kung bakit—"

Biglang kinuha ni Jason ang mga baraha at ni-reshuffle. "Oh ayan! Basahan mo ulit kami! Ni-shuffle ko na yan!" -___-

Pero hinila ko na siya sa braso palayo at ngumiti sa babae. "Salamat po. Pasensya na sa kasama ko!"

Nag-shrug lang ang manghuhula.

"Inna naman eh!! Papayag ka na bang ganun ang sinabi? Hindi daw tayo magkakatuluyan!" >O<  nagwawala na si Jason.

Ngumiti ako at tumingin sa kanya. "Bakit?"

Natigilan siya.

Not Your Ordinary White LadyWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu