NYOWL - 43 ☆

741 21 0
                                    




a/n:  this happens nung gabing umuwi sila galing Christmas Vacation~



────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────

43rd Episode

[KyE Sidestory Pt. 1 ]

────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────



"Magkakasama na tayo, Cue," mahina niyang sabi sakin.

Pinatong niya ang ulo niya sa akin at tumingin sa labas ng bus, sa dilim ng gabi, sa bumubuhos na ulan, sa mga ilaw.

"Hindi na nila tayo mapapaghiwalay."


Rewind <<<

.

.

────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────

Kyla's POV

────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────

"Sigurado ka ba talagang pwede akong pumasok sa bahay mo?" tanong ni Cue habang dala-dala ang mga bag ko.

Binuksan ko ang gate at nakita kong may ilaw sa loob ng bahay. Hayy.  -__-  Gabi na, gising pa din yung mga maids. Baka nagti-TV nanaman sila.

"Oo naman. Di ka pa nakakapasok dito diba?" ^__^ 

"Mmh."

Ngumiti ako. Buti na lang at hindi makakauwi sina Mama ngayong bakasyon kaya libre ang bahay. *opens door*

Muntik ko nang malaglag ang handbag ko nang makita ko si Mama na umiinom ng tsaa sa sala at si Papa na nanunuod ng TV.

Sabay silang napalingon sa'min at-

"Ma. . ?" gulat kong bulong.

Mukhang gulat na gulat din ang mga magulang ko. Lalo pa't kasama ko si. . . "Anong ginagawa ng lalaking yan sa pamamahay ko!" sigaw ni Papa.

"Kasama mo siya?! Magkasama kayong dalawa habang wala kami?!" –Mama

Mabilis nila kaming nilapitan ni Cue at parang papatayin nila ito.

"Sagutin mo ang tanong namin, Kyla! Bakit magkasama kayo ng lalaking yan?!" sigaw ulit ni Mama.

Hinarangan ko si Cue. "Pwede ba, wag nyong tingnan si Cue na parang isa siyang kriminal?!"

"Siya ang dahilan kung bakit—" natigilan si Papa na parang may narealize. "Teka- naaalala mo na siya? B-Bumalik na ba ang ala-ala mo?"

Natigilan ako saglit. Hindi pa nga pala nila alam na bumalik na ang mga ala-ala ko. . .

"Opo, nagbalik na! At hindi si Cue ang dahilan. Ako! Ako ang may kasalanan! Ako ang sumama sa mga lalaking yun kaya ako—" hinila ako ni Mama palayo kay Cue at hinigit ako sa braso papunta sa hagdanan. "Bitawan nyo ko Ma!"

Not Your Ordinary White LadyWhere stories live. Discover now