NYOWL - 13 ☆

1.9K 49 11
                                    




────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────

13th Episode

────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────


Suho's POV



Isang maluwalhating umaga!! =____= Kaya lang, nandito ako nakababad sa initan habang hinahanap yung store na posibleng pinagkuhaan ng bestida ni Ami. Yung letter i na flower yung '.' niya. Kaso parang isang oras na ata akong nagtatanong tanong, wala pa ring nakakasagot sakin.

Pumasok ako sa huling shop, busy yung manong na nagtitinda ng mga tela. >___<

"Ah,excuse me po??" sabi ko.

"Ilang yarda kamo?. . . Saglit lang, may customer ako- Oh two hundred pesos!!" May kausap siya sa cellphone tapos may bumibili pa. -__-

"Uhm, excuse me po. . ."

"Saglit lang, nak! Mahina ang kalaban!!"

Ayon. -__- Sabi ko nga eh, maghihintay na lang ako. Ano ba kaseng ginagawa ko dito?! >___< Dapat andun ako ngayon sa bahay at nagpapahinga e.

". . . Oo na!! Oo magpapadala ako bukas ng kwarta! Oo na, bye!!" Ayun binaba na nya at humarap sakin. "Hay! Pasensya na. Oh anong tela ang kelangan mo iho?"

"Ah-" pinakita ko sa kanya ang tela nung bestida ni Ami. "Ito pong-"

"Oh. Ganito bang tela ang hinahanap mo?"

"Er..." nagtaas ako ng salamin. "Itatanong ko lang po sana kung sakaling alam nyo yung brand ng bestidang yan."

"Brand?" tiningnan niya ang tag sa likod nito. "Ay, naku iho, hindi ko alam ang brand nyan eh. Pero kilala ko ang tela na yan. Kami lang ang nagtitinda ng ganyan dito sa lugar na 'to."

"G-Ganun po ba? Pero... kilala nyo po ba kung sino ang bumili ng mga telang ganito?"

"Hahaha! Syempre hindi! May iilan na bumibili ng ganyang tela dito. Dahil mahal ang ganyang klase ng tela, konti lang ang bumibili. Pero may isang babaeng customer ako noon na laging bumibili ng ganitong tela."

"Kilala nyo po ba? Alam nyo ba ang pangalan?"

"Teka naisulat ko ata dito ang pangalan nun eh..." kumuha siya ng isang notebook na may cover na Daniel Padilla. -__- Tapos, nagbuklat siya.

"Eto! Estrella Estrada. Um, last year pa nung huli siyang bumili dito. Kaya nagtataka ako. Ang alam ko pa, dati syang nagtatrabaho para sa isang mayamang pamilya. Sana nakatulong ako sayo, iho." ^__^

Estrella? May kaugnayan ba siya kay Ami?

"Maraming salamat po!"


────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────

Not Your Ordinary White LadyWhere stories live. Discover now