True Epilogue ☆⋅⋆

1.5K 46 19
                                    




────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────

True Epilogue

────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────


Marahas kong sinara ang laptop.

Sinapo ko ang buo kong mukha at umiyak. Sinabunutan ko ang sarili habang patuloy na humahagulgol. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang tapusin 'to. Hindi ko na kayang sulatin ang kwento naming dalawa.

Dumako ang mga mata ko sa picture frame sa mesa.

Ang ngiti niya.

Hindi ko na makikita ang ngiti niya. . .

Kaya nga, isulat mo. Isulat mo, Yuno. 

Para mabuhay siyang muli. Para makasama mo siya kahit na nasa isip mo lang ang lahat. Kahit na— Kahit na—

"Allie," mahina kong kinausap ang litrato naming dalawa. "Bakit mo pa hiniling 'to sakin?"

Hinaplos ko ang litrato niya gamit ng mga daliri ko.

"Hindi ko na kaya... *sob*...Hindi ko na kaya, please. . ."


────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────


After 6 months. . .


"Bukas na ang release ng novel mo, diba Kuya Yuno?" tanong sakin ni Sophia.

"Oo, gusto mo ba ng autograph?" nginitian ko siya. Nasa kusina kami ng bago naming bahay. Sumilip ako sa lunch box niya at nakita kong may laman itong chicken nuggets.

Napansin niya ata yun at tinakpan nya ang baon niya. "P-Pasensya na Kuya. Sinabi ko naman kay Mama na baunan ako ng gulay pero di ko natiis eh."

"Hay nako -__-"  ni-ruffle ko ang buhok niya. "Osige na nga. Kainin mo ang gusto mo, basta wag kang umiyak pag tumaba ka nyan ah!"

"Hehehe! Ikaw talaga Kuya!"

"Kamusta na si Tita Kyla?" tanong ko.

"Nasa kwarto na siya."

"Nahihilo pa rin siya?"

"Mmh. Alam nyo naman, after ng treatment niya. . .Unti-unti pa lang na bumabalik ang lakas niya."

Nag-nod ako. Naiintindihan ko ang sitwasyon ni Tita. After ng isang taon nyang treatment sa psychiatrist, sinasanay pa lang namin siya ng anak niyang si Sophia sa bago niyang buhay. Ibang-iba sa kinagisnan nilang buhay noon.


- Flashback -

Nakilala ko siya nung nakita kong binu-bully siya ng isang batang nagngangalang Nigel. Tinatakot siya ng batang yun para bigyan siya ng kakarampot na pera. Nung araw na yun, sinamahan ko si Sophia pauwi ng bahay nila sa kalapit na squatters area. At dun ko nalaman na ang nanay niyang si Kyla ay isang dating beauty queen ng barangay nila na naanakan ng isang Amerikano.

Not Your Ordinary White LadyWhere stories live. Discover now