NYOWL - 8 ☆

2K 46 611
                                    




────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────

8th Episode

────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────


 Inna's POV



"Hoy, ano ba yang nireresearch mo? Akala ko ba trabaho yan ni Suho?" tanong ko kay Jason na kulang na lang eh isubsob ang mukha niya sa laptop.

"Eh nawawala na nga yun parati eh! -__-  Tsaka di naman nakatulong yung research niya."

"Ano ba kasi yan?" tumunghay ako sa screen at nakita ko ang listahan ng mga taong may pangalan ng AMI. Huh? Sino yan?




────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────

Jason's POV

────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────

May kontrata kami ni Ami.

"Bigyan mo ng hustisya ang pagkamatay ko."

"Pero hindi kita kayang tulungan..."

"Please. . . Gagawin ko lahat ng gusto mo. Tulungan mo lang ako."

"Lahat?"

"Oo lahat."

Nagtatrabaho siya bilang maid ko kaya kelangan kong hanapin yung history niya.  Kaso. . . SAAN AKO MAGSISIMULA? Eh andaming may pangalan na Ami sa buong Pilipinas eh!! =____=

Di rin nagtagal at sinara ko na ang laptop ko.

Kanina pa ako iniwan ni Inna at halos magpanic ako dahil sa alam kong makikipag-blind date yun sa ibang lalaki. Eto yung sinasabi ko eh. Gusto ko. . . Magpanggap si Ami na girlfriend ko para magselos si Inna at tuluyan nang umamin sakin.

Oo!!! ALAM KONG MAY GUSTO YON SAKEN!!! -____- 

Ah basta. Feel ko yon. Malakas ang instinct ko. May gusto sakin yun. At syempre, gusto ko din siya. Si Inna ang type kong babae: Mahinhin. Classy. Magaling. Talented. Sexy. Maganda. At higit sa lahat, matapang! Di niya kelangan ng lalaki sa buhay niya.

Eh kaso gusto na siya ipakasal nung mga magulang niya kaya pinapadala siya sa mga blind date na yan. Natanong nyo kung bakit hindi na lang ako? Eh CEO naman ako ng kumpanya?

Ganito kasi yan. . .


- Flashback -

Not Your Ordinary White LadyWhere stories live. Discover now