Chapter 3: Visitor

1.2K 74 28
                                    

"Mommy?"

Napabaling ako kay Ayah noong magsalita ito sa tabi ko. Maingat nitong inilagay ang kamay sa kamay ko at matamang tiningnan ako. She pouted then played my hand.

"Are you okay, mommy?" She asked and slowly hugged me. "Is your head okay? Ma-masakit po ba?" Nahihirapang tanong nito sa akin.

Mabilis akong umiling at gumanti nang yakap sa anak ko. "Mommy's okay, baby. Just a little tired but I'm okay. Don't worry about me, hmm."

"Okay," mahinang sambit ni Ayah at mas isiniksik ang katawan sa akin.

Palihim akong napabuntong-hininga at tumingin sa labas ng taxi na kinaroroonan namin. Kaya kong tiisin ang sakit sa ulo ko ngunit hindi kaya ng puso kong makita nalulungkot at nag-aalala ang anak ko. As much as possible, I wanted to look fine and okay infront of her. Ayah is a smart kid. Alam nito ang nangyayari sa paligid niya. Kung kaya kong magtiis, gagawin ko.

Marahan kong hinaplos ang buhok ng anak ko at matamang pinagmasdan ito. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at naalala ang nangyari kanina.

That man... that was Sasa's fiancé. And the way he mentioned my name, it triggered my old and healed wounds. Hindi ko alam kung paano nangyari iyon pero sa tingin ko'y kilala niya ako, kilala niya ang dating ako. Iyong ako noong hindi pa nawawala ang mga alaala ko. And his voice, pamilyar ito sa akin. It was so damn familiar that it hurts. Kaya marahil nagreact ang katawan ko dito. 

Destiny Amari.

The way he uttered that name ached my heart, painfully. At kung hindi ko lang kasama si Ayah, paniguradong mananatili ako roon. I will stay and ask him questions that will surely harm myself again. And again. Damn this!

Tahimik at maingat kong inilapag si Ayah sa kama nito. Nakatulog ito kanina habang nasa biyahe kaming dalawa at hindi ko na ito ginising pa. Mukhang napagod din ang anak ko sa activity nila sa eskwela. She's an active student. Kung sinu-sino rin ang kinausap nito kasama ang mga kaibigan niya. She enjoyed every seconds with them and I'm happy for her. Nakakaproud lang maging ina ng batang ito.

Tahimik kong pinagmasdan si Ayah at mayamaya lang kinumutan ko na ito at walang ingay na lumabas sa silid nito.

Deretso ang lakad ko patungo sa kusina ng unit namin at kumuha ng isang baso ng tubig. Marahan ang bawat kilos ko at tahimik na pinagmamasdan ang cellphone kong nakapatong sa mesa namin.

"Hindi pa rin ba tapos ang meeting ni Veron?" Tanong ko sa sarili at inubos ang tubig sa baso. Dinampot ko ang cellphone ko at tahimik na nagtungo sa may sala. Pabagsak akong naupo sa sofa at wala sa sariling napatitig sa kawalan. Pinaglaruan ko ang cellphone at mariing ipinikit ang mga mata. I cleared my mind and tired to relax. May kaunting kirot pa akong nararamdaman ngayon sa ulo ko but I can manage the pain. I just need to forget what happened earlier and make sure not to overthink.

Relax, Amari. Clear your mind and calm down.

I'm done with this one. Tapos na ang therapy at medical counselling ko dito. I already overcome this phase of my medication. Alam ko na ang dapat kung gawin. I just need to forget what happened, again. Forget and move on. For the sake of my health, at para hindi na rin mag-alala si Ayah at si Veron, kailangan kong kalimutan ang nangyari ngayong araw. 

Hindi ko alam na nakatulog na pala ako kakahintay kay Veron. Naalimpungatan lang ako noong marinig ang tunog ng doorbell ng unit namin. Napakunot ang noo ko at dahan-dahan naupo nang maayos sa sofa. Wala sa sarili akong napatingin sa orasan at ipinilig ang ulo pakanan noong makitang alas-sais na pala ng gabi.

Hindi ako kumilos sa kinauupuan ko at noong muling tumunog ang doorbell namin ay maingat akong tumayo mula sa pagkakaupo. Kunot-noo akong naglakad papalapit sa pinto. Sino naman kaya ito? Obviously, it's not my husband. Veron will never use our doorbell. May sariling susi ito. At isa pa, minsan lang kaming magkaroon ng bisita dito. Kung mayroon man, ang personal doctor ko ito na siyang kaibigan din ni Veron na nagtratrabaho sa ospital nila ngunit mag-aabiso muna ito bago pumunta dito sa unit. My doctor never visit us here without a schedule.

IAH2: Remembering The First BeatWhere stories live. Discover now