Chapter 25: Tears

731 47 6
                                    

Maingat akong lumabas sa silid ni Ayah noong tuluyang nakatulog na ito.

Siguro'y dahil sa pagod sa biyahe nila kanina kaya naman pagkatapos ko itong bihisan ay agad itong nakatulog. Napangiti na lamang ako at hinalikan ang noo nito.

Dahan-dahan akong lumabas sa silid ng anak at naglakad patungo sa study room ni daddy. At noong tuluyang makapasok na ako roon, bumungad agad sa akin ang seryosong mga titig ni daddy sa akin.

"Amari," rinig kong tawag ni Adliana sa akin at marahang tumango ito. Napalunok ako at kinalma ang sarili.

Alam kong darating ang araw na ito. Ang araw na magtatanong ang pamilya kong walang alam tungkol sa anak ko. I was ready for this but still, I'm scared. Paano kung hindi nila matanggap ang anak ko? Gustuhin ko mang manatili dito ng mas matagal, aalis talaga ako ulit kung masasaktan lang si Ayah dahil sa pamilya ko. Ayah is such a precious kid. Kung hindi nila ito matatanggap, then, I will do everything to protect her.

Napabuntong-hininga na lamang ako at muling kinalma ang sarili. Marahan kong tiningnan si daddy at natigilan na lamang noong may nakita akong folder sa ibabaw ng study table nito.

"Hindi mo anak ang batang iyon?" Panimula niya na siyang ikinahugot kong muli ng isang malalim na hininga. "If she's not your daughter, kaninong anak ito, Destiny Amari?"

"Dennis, ang sabi ko sa'yo ay kumalma ka. Stop firing her with your questions. Let your daughter talk," marahang sambit ni mommy sa tabi nito at binalingan ako. "Go, Amari. Tell your dad what really happened."

"Is it really okay to tell him it now, mom?" tanong ni Adliana na siyang ikinatigil ko naman. "Dad, concern lang po kami sa kalagayan mo. Inilihim namin ito sa'yo dahil alam namin na ganito ang magiging reaksiyon mo."

"So, alam mo rin ang bagay na ito, Adliana? Alam mo kung nasaan ang kapatid mo, alam mo kung ano ang nangyayari dito tapos wala kang sinasabi sa akin?" galit na tanong ni daddy kay Adliana na siyang ikina-alarma ko. "Adliana, you know how much I care about your sister. Kung may problema ito, dapat ay sinabi mo sa akin para naman ay natulungan natin ito!"

"Dennis!" singit ni mommy at tuluyang nilapitan ito. "Kung hindi ka kakalma, hindi natin pag-uusapan ang tungkol dito."

"Amanda, this is about my daughter. I deserve to know the truth! I deserve to know what happened to her!"

"Dapat ay noon pa lang ay naisip mo na iyan, Dennis! Six years, Dennis! Anim na taong naghirap ang anak natin. Mag-isa."

"Mom. Dad. Please," sambit ko na siyang ikinatigil ng dalawa. "Stop fighting, okay. I'm here. Nakauwi na ako kaya naman ay tama na." Napapikit na lamang ako at humugot ng isang malalim na hininga. "Two years ago, nakita ako nila Sasa at Xavi sa New York. At pagkatapos non, I saw and managed to have a conversation with Adliana. Dad, wala silang alam kung nasaan ako noon. For four years, walang nakakaalam kung nasaan ako. Na kahit ipahanap niyo pa ako sa mga panahong iyon ay hindi niyo rin ako mahahanap."

"We never tried looking for you, Amari," mahinang sambit ni Adliana na siyang ikinabaling ko sa puwesto niya. "It was dad's decision."

"Because I know you can handle yourself, Destiny Amari," turan ni daddy na siyang ikinalunok kong muli. "Alam kong alam mo kung ano ang ginagawa mo kaya hinayaan kita. You're my daughter and I know you can handle your decisions well. You're brave and I know you'll survive."

Napaawang ang labi ko at malungkot na tiningnan ang ama.

"I ran away that day because I was hurt, dad," mahinang sambit ko sa ama. "Umalis ako dahil wala akong maihaharap na mukha sa inyo, sa pamilya natin, sa pamilya ni Von dahil sa eskandalong iyon." I sighed. "And I was scared for myself too. I... I need to save myself and the only option I had that time was running away. And that's not being brave or being strong, dad. That decision was made by a weak person. And that was me."

IAH2: Remembering The First BeatWhere stories live. Discover now