Chapter 29: Accept

883 47 3
                                    

"If you still want to find Destiny Amari, kailangan mo ang therapy na ito, Von."

Hindi ko pinansin si Xavi at nagpatuloy sa pagbabasa ng reports galing sa secretary ko. Itinuon ko na lang dito ang buong atensiyon at parang hangin lang na dumaan ang mga salitang binitawan ng pinsan sa akin.

"Von-"

"I'm not doing anything about that stupid therapy. Magtratrabaho na lang ako," walang emosyong turan ko dito at nagpatuloy na sa pagbabasa.

"You can't do this to yourself, Von Sirius! Kailangan mong makalakad muli!"

"Para saan pa?" Inilapag ko ang report na binabasa sa mesa ko at hinarap si Xavi. "I'm tired, Xavi. Pagod na akong libutin ang mundo kakahanap kay Destiny!"

"Napagod ka ba talaga o talagang nawalan ka na nang pag-asa?" seryosong tanong nito na siyang ikinatigil ko. "Von, Destiny Amari is still somewhere out there. Hindi natin alam kung ano ang nangyayari dito. Kung hindi mo ito hahanapin, sino ang gagawa nito para sa kanya? Sino ang maghahanap sa kanya?"

"Then do it," mariing sambit ko na siyang ikinatigil naman ng pinsan. "Maiintindihan naman siguro ni Sasa kung hahanapin mo ang kaibigan mo."

Hindi agad nakapagsalita si Xavi sa harapan ko. Seryoso lang itong nakatingin sa akin at mayamaya lang ay iniling ang ulo nito.

"Hindi ko akalaing maririnig ko ito sa'yo, Von. You're really giving up. Pagkatapos ng lahat nang dinanas mo, ngayon ka pa talaga susuko?"

"I can't find her, Xavi. Ano pa ba ang dapat kong gawin?"

"Try harder, Von," mariing sambit nito at naglakad palapit sa akin. "You need to take your therapy sessions para naman makalakad kang muli. At kung magawa mo na iyon, magsimula ka ulit. Hanapin mong muli si Destiny Amari."

"Ayaw nga niyang magpahanap sa akin!"

"No, Von!" sigaw ni Xavi na siyang ikinatigil ko. "Hindi mo ba naisip ang maaring dahilan kung bakit hindi mo ito mahanap? Matalino ka, Von. Isipin mong mabuti ito. Hindi ka maaring sumuko na lang. You can't be like this forever. You can't just lock yourself here!"

Napapikit ako at napasandal na lamang sa backrest ng upuang kinalalagyan ko. Ipinahinga ko ang sarili at marahang hinilot ang sintido.

Isang taon na ang lumipas simula noong maaksidente ako. Ilang buwan akong hindi nakalakad dahil sa natamong injuries at noong nagsimula na ako sa mga therapy sessions ko, halos doon ko na inubos ang oras ko.

Umalis ako sa mansiyon ng Henderson at halos manirahan na ospital na pagmamay-ari rin ng pamilya namin. Umabot ng apat na buwan ang therapy ko at noong tuluyang maka-recover ang mga paa ko, nakapaglakad na akong muli.

"Von," natigilan ako sa ginagawa noong tawagin ako ni Sasa, Xavi's fiancée. Kakauwi lang nila galing New York kaya naman ay binisita nila ako dito sa bagong apartment na nilipatan ko. Umayos ako nang pagkakatayo at binalingan ko ito. "I have a question," dagdag pa nito na siyang ikinakunot ng noo ko. "Paano kong may sariling pamilya na si Destiny Amari? Ano ang gagawin mo?"

"Sasa, stop it, sweetheart. Ayaw kong mag-alaga ng lasing na pinsan sa unang araw ko ulit dito sa Pilipinas." Naiiling na wika ni Xavi sa tabi nito.

"I'm just asking. Ilang taon na ring hindi ito umuuwi dito. Four years, right?" tanong muli ni Sasa na siyang tipid na ikinatango ko dito. "So, paano nga kung gaanon ang rason ni Destiny Amari? Paano kong may asawa't anak na ito kaya naman ay hindi ito makauwi dito, anong gagawin mo?"

Natigilan ako sa mga naging tanong ni Sasa akin.

Si Destiny Amari... may asawa't anak na at hindi ako iyon. Ano nga ba ang gagawin ko?

IAH2: Remembering The First BeatWhere stories live. Discover now