Chapter 20: Back

731 42 10
                                    

Dahan-dahan akong naglakad habang hila-hila ko ang dalang maleta. Nagpalinga-linga ako at hinanap sa paligid si Andrea na siyang susundo sa akin ngayon dito sa airport.

"Welcome back, Destiny!"

Napangiti ako noong sa wakas ay nakita ko na ang pinsan ko habang kumakaway pa sa akin. Mabilis akong naglakad patungo sa kanya habang hila-hila pa rin ang maletang dala. Tinanggal ko ang suot na salamin at mabilis na niyakap si Andrea nang mahigpit.

"Andrea!" I exclaimed with excitement. "I missed you!"

"Hala! Ang clingy naman!" ani Andrea at hinigpitan ang yakap sa akin. "I missed you too, my beautiful cousin!"

Natawa ako sa sinabi nito at humiwalay na sa kanya. Pinagmasdan ko ito nang mabuti at inilingan na lamang. It's been six years simula noong huling nakita ko ang malapit na pinsan kong ito. Andrea is like a sister to me. Kahit noong mga bata pa kami ay kapatid na ang turing ko dito.

But I can't hide my disappointment with myself.

Ni hindi ko man lang masabi dito ang nangyari sa akin. Hindi ko masabi sa kanya at sa iba pang miyembro ng pamilya namin ang pagkawala ng mga alaala ko. Iyon din kasi ang naisip na paraan ni mommy para hindi na ako ulanan ng mga tanong nila. Even Adliana agreed with my mom's idea. Well, wala naman ding magbabago kung ipapaalam ko pa sa kanila ang nangyari sa akin. Mas mabuting ilihim na lang daw namin ito at hintayin ang pag-uwi nila ni Ayah.

"Destiny..."

"Andrea, stop calling that name," natatawa kong sita sa pinsan. "Wala nang tumatawag sa akin sa pangalan na iyan! It's Amari. Kahit si mommy ay madalang na akong tawagin sa pangalang iyan."

"Your name is Destiny Amari, dearest cousin! At mas magandang pakinggan ang pangalang Destiny, noh!" anito at kinuha na sa kamay ko ang hawak-hawak na maleta. "Come on, Destiny! They're waiting for you! Excited na ako sa magiging reaksiyon nila kapag makita ka!"

Hindi na ako nakaangal pa sa sinabi ng pinsan ko. Napailing na lamang ako at sumunod kay Andrea.

Tahimik lang akong naglalakad sa tabi ng pinsan ko. Panay naman ang hugot ko nang malalim na hininga habang inaayos ang pagkakalagay ng bag sa balikat. Mayamaya lang ay narating na namin ang sasakyan ni Andrea na nakaparada sa may labas ng airport. Mabilis kaming dinaluhan ng driver nito at kinuha ang maletang hila-hila ko.

"Destiny, nga pala, dadaan pala muna tayo sa mall. May pinapabili si Tita Yve. If you're tired, you can stay inside the car. Ako na ang lalabas," wika ni Andrea na siyang ikinatigil ko. Napatango na lamang ako dito at ngumiti.

"I'll go with you, Andrea. Baka mainip lang ako sa loob ng sasakyan." marahang sambit ko at sumakay na sa sasakyan nito.

Mabilis ang naging biyhae namin patungo sa mall na tinutukoy ni Andrea. Minuto lang ay nasa loob na kami ng mall at agad na tinungo namin ni Andrea ang boutique na tinutukoy ni Tita Yve at mabilis na kinausap ang isang staff na naroon.

Tahimik kong lang na pinagmasdan si Andrea hanggang may inabot na mga dress ang staff dito. Napakunot ang noo ko at marahang ipinilig ang ulo pakanan.

"Para saan iyang mga dress na iyan, Andrea?" tanong ko dito noong mapansing limang dress ang inilabas ng staff at ipinakita sa amin. Looks like Tita Yve already paid for the dresses at narito lang kami ni Andrea para kunin ito.

"Oh. ito ba? Well, pupunta tayo sa Zambales sa susunod na araw, Destiny! Isa dito ay para sa'yo!" nakangiting sagot nito at kinuha na ang paper bags na naglalaman ng mga damit na pakay namin sa boutique. Lalong napakunot ang noo ko sa sinabi nito. Para sa akin ang isa? Para saan naman at sa anong okasiyon? At bakit sa Zambales pa?

IAH2: Remembering The First BeatWhere stories live. Discover now