Chapter 26: Failed

757 49 5
                                    

"Mommy."

Natigilan ako sa pagsusuklay kay Ayah noong tawagin niya ako. Tiningnan ko ang repleksiyon namin sa salamin at marahang nginitian ito.

"I like Tito Von, mommy," marahang sambit nito na siyang ikinaawang ng labi ko. "He hold my hands gently and I can see that he cares for you."

"Ayah, what are you talking about?" Nahihirapang tanong ko dito at tinapos na ang pag-aayos sa buhok nito. "Come on. Lumabas na tayo. Your Lola and Lolo are waiting."

"Yes, mommy!" Magiliw na sambit nito at umalis na sa upuan niya. Siya na mismo ang nagbukas ng pinto ng silid niya at nagmamadaling tumakbo na siyang ikinabahala ko.

"Ayah, slow down, baby!" Sigaw ko at binilisan na rin ang paglalakad. Napailing na lamang ako noong makitang nasa pinakahuling baitang na ito ng hagdan at ngayon ay tinatawag si Adliana.

"Tita!" bati ni Ayah sa kapatid ko at mabilis na hinalikan ito sa pisngi.

"You look beautiful, baby," ani Adliana sa anak ko at tiningnan ako na dahan-dahang humahakbang papalapit sa puwesto nila. "The Hendersons are here, Amari."

"Tito Von is here?" gulat na tanong ni Ayah na siyang ikinatigil naming dalawa ni Adliana. Pinagtaasan ako ng kilay ng kapatid at hindi na nito nagawang magtanong sa akin noong hilain na ito ni Ayah patungo sa hardin ng mansiyon namin.

"Ayah, slow down. Stop pulling your Tita Adliana," suway ko sa anak at sinundan na ang dalawa patungo sa hardin.

Sa may pintuan pa lang ay rinig ko na ang boses ni Yvana, Von's sister. Natigil ako sa paglalakad at tiningnan ang mga tao sa hardin.

My parents are already there. Masayang nakikipag-usap si mommy kay Tita Gretchen samantalang seryoso ang mga mukha nila daddy, Tito Miguel at Von habang may kung anong pinag-uusapan sa puwesto nila. Napabaling ako kay Yvana noong bigla itong tumayo at lumapit kay Adliana at Ayah. Naiiyak na lumapit ito sa dalawa at mabilis na lumuhod sa harapan ng anak.

"Hello, little angel. You must be Ayah!" anito at hinawakan ang kamay ng anak. Natigilan sila mommy at Tita Gretchen sa pag-uusap at binalingan na rin sila Ayah. Ganoon din ang ginawa nila daddy kaya naman ay mas lalo akong hindi nakagalaw sa kinatatayuan ako.

"Magandang ga... gabi? po," tila nahihirapang bati ni Ayah. Nagulat naman si Yvana sa pag-ta-tagalog ng anak ko kaya naman ay mabilis niya itong pinang-gigigilan.

"You speak Tagalog?" tanong ni Yvana na siyang ikinatango ni Ayah.

"I practice a lot po! With Lola and mommy!"

At noong sabihin iyon ni Ayah, halos sabay-sabay na bumaling sa gawi ko ang mga tao sa hardin. Biglang kumabog nang malakas at mabilis ang puso ko kaya naman ay napaawang na lamang ang bibig ko. Kinalma ko ang sarili at nagsimula nang humakbang muli papalapit sa puwesto nila.

"Destiny!" Sigaw ni Yvana at mabilis na tumakbo palapit sa akin. Mabilis akong niyakap nito at narinig ang mahinang pag-iyak nito. "Welcome back, Destiny," bulong nito at humiwalay na sa pagkakayakap sa akin. Maingat niyang inalis ang mga luha sa mata at nginitian ako. "Thank you for coming back."

"This is my real home, Yvana, of course, uuwi ako sainyo," mahinang sambit ko dito at nginitian ito. Bumaling ako sa puwesto nila Tita Gretchen at marahang inihakbang muli ang mga paa. Binati ko ito at maingat na inabot ni Tita Gretchen ang mga kamay ko.

"Welcome back, Destiny."

"Thank you, Tita," turan ko at niyakap na rin ito. Sinunod kong binati si Tito Miguel at noong nagtagpo ang mga mata namin ni Von Sirius, agad akong napaayos nang pagkakatayo.

IAH2: Remembering The First BeatWhere stories live. Discover now