Chapter 23: Mess

725 44 1
                                    

Isang araw kong ipinahinga ang katawan ko.

Nag-hire pa nga si Adliana ng personal nurse sa akin habang nasa opisina ito at inaasikaso ang kompanya namin. Hindi ko na iyon kailangan ngunit dahil sa nag-aalala nga si daddy sa akin, natuloy pa rin ang babantay sa akin ng family nurse namin.

Noong naging maayos na ang pakiramdam ko, maingat akong naglinis ng katawan at naghanda na para ngayong araw. Mamayang hapon ang dating ni Ayah at mommy kaya naman ay dapat maayos ko na ang magiging silid ng anak. Maingat akong naglakad palabas ng silid ko at bumaba na mula sa pangalawang palapag ng mansiyon.

Agad akong binati ng kasambahay na nakasalubong ko sa salas namin. Nginitian ko ito at tinanong kong gising na ba si Adliana at si daddy. At noong sinabi nitong nasa kusina na sila at nag-aagahan, mabilis akong nagpasalamat dito at tinahak na ang daan patungo sa kusina namin.

Ilang hakbang pa ang layo ko sa kusina noong natigilan ako sa paglalakad. Napakunot ang noo ko noong marinig ko ang isang pamilyar na boses na ngayon ay kausap ni Adliana at daddy.

He is here? Again?

Napabuntong-hininga na lamang ako at nagpatuloy na sa paglalakad.

Si Adliana ang unang nakapansin sa akin noong tuluyang nakapasok na ako sa kusina. Mabilis itong tumayo sa kinauupuan nito at nilapitan ako.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo, Amari?" mahinang tanong niya at tiningnan ako nang mabuti.

"Wala na ang lagnat ko, Adliana," marahang sambit sa kapatid at binalingan ang ama. "Good morning, daddy," bati ko dito at dahan-dahang naglakad palapit sa puwesto nito. Noong makalapit ako sa kinauupuan nito at marahan ko itong hinalikan sa pisngi. Nginitian ko ito at umayos na sa pagkakatayo. Walang emosyon kong tiningnan ang kasama nila sa hapag at noong magtagpo ang mga mata naming dalawa, napako ako sa kinatatayuan ko.

"Ako ang nag-imbita sa kanya dito, Destiny," rinig kong sambit ni daddy sa tabi ko. "Nag-alala si Von sa kalagayan mo kaya naman ay ilang beses itong nagpabalik-balik dito sa mansiyon. Saktong handa na ang agahan kanina noong dumating ito."

"Hindi mo na kailangan mag-alala pa sa akin, Von. I'm fine," malamig na turan ko at naupo na sa bakanteng upuan sa tabi ni daddy. Maingat kong ikinuha ang juice sa harapan ko at ininom iyon.

"Destiny, don't be like that. Nag-alala lang ang tao sa'yo," marahang sambit ni daddy na siyang ikinabaling ko dito.

"I'm fine, dad."

"I know, darling, pero-"

"It's okay, Tito," seryosong saad ni Von na siyang ikinabaling ko sa puwesto nito. "Pero kahit ilang beses naman niya akong ipagtabuyan, babalik pa rin naman ako dito."

"Von, let's not talk about that here," ani Adliana at binalingan ako. Napalunok at napabuntong-hininga na lamang. "Kumain na lang muna tayo."

Hindi na ako umimik pa at nagsimula nang kumain.Usapang negosyo ang tinatalakay ng tatlo samantalang halos hindi ko malasahan ang pagkain dahil sa mapait kong pakiramdaman.

Mabilis kong tinapos ang pagkain ko at noong uminom na ako ng tubig, maingat akong tumayo at dinala ang pinggan ko. Naglakad ako patungo sa lababo at marahang inilapag doon ang pinagkain. Bubuksan ko na sana ang gripo para hugasan ito noong biglang tinawag ako ni Adliana. Taka ko itong binalingan at natigilan na lamang noong mamataan ang gulat na ekspresyon ni daddy sa akin.

"No need to do that here, Amari. May mga kasambahay tayo para linisin iyan," marahang sambit ng kapatid ko na siyang ikinaayos ko nang pagkakatayo.

"Right," halos bulong na wika ko at napailing na lamang. "Sorry. Nasanay na ako sa ganito. Wala kaming maid doon sa Boston at ako lahat ang gumagawa ng gawaing bahay," dagdag ko pa at muling bumalik sa puwesto ko.

IAH2: Remembering The First BeatWhere stories live. Discover now