Chapter 13: Life

728 46 2
                                    

Hindi naging madali sa akin ang pagkawala ni Veron.

Isang linggo akong hindi makausap nang maayos. Maging ang obligasyon ko kay Ayah bilang ina niya ay napabayaan ko dahil sa pagluluksa. Hindi ko kayang tingnan ang bata ng hindi umiiyak. Walang alam si Ayah sa mga nangyayari at kagaya nang nakasanayan nito, ang buong akala niya ay abala lang ang ama nito sa trabaho kaya naman ay hindi namin ito nakakasama sa bahay.

I can't break my daughter's heart. I can't hurt her. She loves Veron, so much, that it hurts me every time I looked at her. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang sabihin sa kanya na patay na ang ama nito. Hindi ko kayang maramdaman ni Ayah ang sakit na pumapatay sa buong pagkatao ko ngayon.

But... I can't be like this forever.

Hindi maaring maging ganito na lamang ako. Ayah needs me and I know that Veron wanted me to be strong for our daughter.

I need to calm myself and face our reality. Face our days without him.

Wala na si Veron. Wala na ang ama ni Ayah. Kami na lamang ang magkasama ngayon at magpapatuloy mabuhay.

Damn!

"Lahat ng assets ni Veron ay nakapangalan sa'yo at kay Ayah." Panimula ng abogadong humahawak sa lahat ng papeles ng mga pagmamay-ari ni Veron. "And also, days before the accident happened, he transferred all his money to your bank account, Amari."

Natigilan ako sa narinig.

"All his money?" Hindi makapaniwalang tanong ko dito. No way. Bakit naman niya gagawin iyon? That was his money!

"Yes, Amari. Wala itong tinira sa bank account niya. He deposited it to you and Ayah's bank account."

Damn it, Veron! Bakit mo ito ginagawa sa akin? Why the hell you transferred everything to me? Bakit sa akin pa?

"Wala ring pinagkakautangan si Veron kaya naman ay wala kang magiging problema, Amari. All you need to do is sign the documents and all the assets will be stay forever under your name."

"I don't need that, Attorney. Hindi ba puwedeng kay Ayah na nakapangalan ang mga iyan? That was his father hard earned money. Wala akong karapatang hawakan ang mga iyan!" 

"He was your husband too, Amari. May karapatan ka sa kung anong mayroon ang asawa mo."

"Pero-"

"Maari naman natin itong i-transfer sa pangalan ni Ayah, Amari. When she's legal and finally knows how to handle her father's money, we'll transfer it all to her. Pero sa ngayon, sa'yo ito mapupunta. Sa pangalan mo," sambit ng kausap ko na siyang nagpatango na lamang sa akin.

"Yes, gawin natin iyan. Ayah deserves all of it. Siya ang tunay na nagmamay-ari ng mga iyan at hindi ako," mahinang turan ko kinuha na ang mga papel na inilahad ng abogado sa akin. Binasa ko nang mabuti ang mga nakasaad sa mga dokumento at noong matapos na ako ay mabilis ko itong pinirmahan.

It's been a month since Veron died. And the moment when I finally have a courage and told Ayah about her dad, she cried, just like what I did.

Matalino ang bata kaya naman ay hindi ko kayang itago ang katotohanang wala na ang ama nito ng sobrang tagal. She kept on asking about Veron. She kept on asking me to visit her dad and when I finally told her the real reason why her dad is not with us anymore, she cried and kept on calling Veron's name. She even said sorry to her dad. She's sorry because she was not with him till his last breathe. She cried and hearing her silenlty calling his father's name broke me all over again.

Ayah doesn't deserved this. She deserves more that's why I will give her my everything. Kahit ano gagawin at ibibigay ko sa kanya. I won't leave her no matter what.

IAH2: Remembering The First BeatWhere stories live. Discover now