Chapter 24: Father

746 43 2
                                    

Kanina pa ako hindi mapakali sa kinatatayuan ko.

Panay ang tingin ko sa paligid samantalang tahimik lamang si Von sa likuran ko. Napapangiwi na lamang ako kapag naririnig ko ang buntong-hininga nito.

Muli kong tiningnan ng cellphone ko at noong makitang nag-text na sa akin si mommy, agad akong napatingin sa mga taong sunod-sunod na lumabas mula sa arrival area ng airport. Napaayos ako nang pagkakatayo at hinanap si Ayah at mommy.

Minuto lang ay namataan ko na si mommy. Maingat itong naglalakad habang hawak-hawak ang kanang kamay ni Ayah. Pasimple kong binalingan si Von na ngayon ay nasa tabi ko na ito. Napahugot ako ng isang hininga at itinaas ang kamay para makuha ang atensiyon ni mommy.

"Mommy!" rinig kong sigaw ni Ayah noong mamataan ako. Bumitiw ito sa pagkakahawak kay mommy at mabilis na tumakbo papalapit sa puwesto namin. Ngumiti ako sa anak at mabilis na lumuhod para mayakap ito.

"Hello, baby. I missed you," bulong ko sa anak at hinalikan ito sa pisngi. Binalingan ko naman si mommy at natigilan noong taka itong nakatingin sa kasama ko. "Mom," tawag pansin ko dito.

"Amari," wika ni mommy at binalingan ako. "Sa dinami-raming isasama mo dito para sunduin kami, si Von pa talaga?"

"Mom-"

"Welcome back, Tita. Adliana asked me to help Destiny po," ani Von at bineso si mommy. "Ako na po ang magdadala nito." Dagdag pa niya at kinuha ang maletang hila-hila kanina ni mommy.

"Mommy," mahinang tawag ni Ayah sa akin na siyang ikinabaling ko sa kanya. "Who is he?" tanong nito habang na kay Von ang buong atensiyon nito.

"Uhm-"

"He look like Tito Xavi, mommy."

Napangiwi ako sa naging komento ni Ayah. Napabaling ako sa gawi ni Von at namataan ko ang gulat at litong ekspresyon nito.

"Kilala niya si Xavi?" mahinang tanong nito habang nakatingin na rin kay Ayah. Napabaling ako kay mommy at namataan na lamang ang pag-iling.

"Mamaya na natin ito pag-usapan. Umuwi na lang muna tayo para makapagpahinga na rin ang bata," wika ni mommy at nilapitan na si Ayah. Kinausap niya ang anak ko at hinawakan na nitong muli ang kamay nito. Nagsimula nang maglakad ang dalawa palabas ng airport samantalang naiwan kami ni Von na nakatingin sa kanila.

"Hindi ko ba talaga anak ang batang iyon?" mahinang tinig na tanong ni Von na siyang ikinatigil ko. Napabaling ako sa kanya at napakagat na lamang ng pang-ibabang labi noong makita ang lungkot sa mga mata nito.

"She's a good kid, Von," turan ko na siyang ikinalingon nito sa akin. "Sa loob ng anim na taon, Ayah was there for me. She completed me."

"Destiny-"

"Let's go," yaya ko dito na siyang ikinatigil muli ni Von. "Ipapakilala kita mamaya kay Ayah. Sasa and Xavi loves her. Siguradong magkakasundo rin kayong dalawa."

"So, nakita ka nga nila Sasa?" Pahabol na tanong nito na siyang tipid na ikinatango ko.

"Two years ago, they saw me. Sa New York."

"At wala silang sinabi sa akin?" Hindi makapaniwalang tanong nito habang nailing pa. Hindi na lang ako nagkomento pa. Alam kong may sariling rason ang dalawang iyon kaya hindi nila nabanggit kay Von ang tungkol sa akin. And I know Xavi. Malapit man ito kay Von, hindi ito gagawa ng isang bagay na hindi pabor sa akin. Alam nito ang kondisyon ko bago pa man ako umalis dito sa Pilipinas. He knew I suffered, too. Kaya naman kung ano man ang naging dahilan ng dalawa, sana'y maintindihan ito ni Von.

Mabilis kaming nakabalik sa bahay.

Wala pa si Adliana kaya naman ay si daddy na ang sumalubong sa pagdating namin.

IAH2: Remembering The First BeatWhere stories live. Discover now