Amari's Love - Part 1

888 44 0
                                    

Hi, lovies!

This is "WAKAS" na po! Tatlong part po ito kaya naman enjoy Amari's love!

Much love! Hugs!

---

"Start all over again," mahinang sambit ko habang tinitingnan ang repleksiyon ko sa salamin. "Paano namin gagawin iyon?"

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ni Von Sirius para hilingin sa akin ang bagay na iyon. Sa dinami-raming nangyari sa aming dalawa, hindi magiging madali para sa amin ang magsimulang muli! Imposible talaga ang nais nito!

"This is impossible," sambit kong muli at humugot ng isang malalim na hininga. "We can't do this!"

Natigilan ako sa pagsasalita noong may kumatok sa pinto ng silid ko. Mabilis akong tumayo sa kinauupuan at dahan-dahang lumapit dito. Pagkabukas ko ng pinto ay natigilan ako noong mamataang nakatayo roon si Adliana. Napa-arko ang isang kilay ko noong itaas nito ang kanang kamay at ipinakita sa akin ang hawak-hawak na bote ng wine.

"Wanna have some drink, Amari?" tanong ng kapatid ko na siyang marahang ikinatango ko dito. Hindi ko alam kung bakit narito ngayon ang kapatid ko pero hinayaan ko na lamang ito sa nais niya. Mas nilakihan ko ang pagkakabukas ng pinto at pumasok na si Adliana sa silid ko.

"Tulog na ba si Ayah?" tanong ni Adliana at naupo sa sahig malapit sa kama po. Binuksan niya ang bote ng wine at nagsalin na rin sa dalawang basong dala nito. Tumango lang ako sa kapatid at isinara na ang pinto ng silid. "Umalis na rin ang mga Henderson. Gusto ni Von na manatili pa dito pero dahil nga sa nangyari, sila mommy na rin ang nagsabing bumalik na lang ito bukas. Ayos ka lang ba?"

Umiling ako sa kapatid ko at naupo na rin sa may sahig. Kinuha ko ang isang baso at ininom na ang laman nito.

"Pagkatapos kong sabihin kay Von lahat-lahat, pakiramdam ko ay hindi na ako magiging maayos pa," sambit at napabuntong-hininga na lamang. "Mababaliw na yata ako."

"Ilang beses ko iyang narinig kay Von noon," ani Adliana na siyang ikinatigil. "Mababaliw na yata ako. Hindi ko na kaya. Suko na ako. Iyon ang paulit-ulit niyang sinasabi tuwing hindi na niya nakakayanan ang lahat ng nangyayari sa inyo."

"He asked me to start all over again," sambit ko at tiningnan lang ang pagsalin ni Adliana ng panibagong wine sa baso ko. "He told me that he'll love Ayah like his own."

"At ayaw mong gawin niya iyon?" tanong ni Adliana na siyang mapait na ikinangiti ko.

"I can't do that to him, Adliana. He deserves more than this."

"You are more than enough for him, Amari. Hindi mo ba nakikita iyon? Hindi mo ba napansin iyon sa mga mata ni Von? Amari, you two deserves each other. Huwag mo nang pahirapan pa ang mga sarili niyo."

"Natatakot lang ako, Adliana," mahinang sambit ko sa kapatid at muling uminom.

"Natatakot ka saan?"

"Natatakot ako sa lahat." Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. "Hindi lang ang sarili ko ang dapat na iniisip ko ngayon. I have Ayah now. I can't risk it."

"Takot ka bang masaktang muli," mahinang tanong ni Adliana na siyang ikinatigil ko. "Iyon ba ang kinatatakutan mo, Amari?"

"Hindi ako maaring masaktan kagaya nang dati, Adliana. Paano kung masaktan na naman ako? Paano ang anak ko? Adliana, nakakatakot mag-isang muli. Nakakatakot ang masaktan nang paulit-ulit."

"Sa tingi mo ba gagawin iyon ni Von sa'yo?"

"I..."

"Amari, nagkamali si Von noon, oo, pero hindi niya kasalanan iyon. He was a victim, too," ani Adliana at muling nagsalin ng wine sa mga baso namin. "Noong umalis ka, hindi ito tumigil kakahanap sa'yo. Remember Zsamira and Harlyn?" tanong nito na siyang ikinatigil ko. "Kilala ko ang dalawang iyon bago pa man ako pinakilala ni daddy sa'yo. They were good persons, Amari, pero nagkamali sila nang paraan kung paano protektahan ang mga mahal nila."

IAH2: Remembering The First BeatOnde histórias criam vida. Descubra agora