Chapter 7: Leave

987 57 18
                                    

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

Gusto kong magtanong kay Veron. Gusto kong linawin sa kanya ang mga narinig sa naging usapan nila ni Xavi kanina. Gusto kong marinig ang katotohanan mula sa asawa ko ngunit tuwing napapabaling ako sa puwesto nito, tuwing nakikita ko ang nag-aalalang tingin nito sa kalagayan ng anak namin, nanghihina ako.

This is not the right time for me to know the truth.

Dapat ay ituon ko kay Ayah ang buong atensiyon ko. Mas kailangan ako ng anak ko ngayon. Mas mahalaga ang mabilis na paggaling nito kaysa sa kung anong bumabagabag sa akin ngayon.

I can wait. I can...

"Amari."

Napakurap ako noong marinig ang  pagtawag sa akin ni Veron. Dahan-dahan akong bumaling sa kanya at napaayos na lamang nang pagkakatayo noong mamataang nagsimula itong maglakad papalapit sa akin.

"You okay? Namumutla ka na naman." Anito at marahang hinaplos ang kanang pisngi ko noong tuluyang makalapit ito sa akin. "Want me to call Doctor Romero?" Nag-aalalang tanong nito na siyang ikinailing ko naman.

"I'm fine, Veron. Pagod lang ako pero kaya ko pa." Sambit ko at binalingan si Ayah sa kama nito. "Kumusta ang kalagayan ni Ayah, Veron? Wala bang naging komplikasyon sa operasyon nito?"

"Amari, you already asked me about that earlier. Calm down, okay? Walang naging komplikasyon sa operasyon ng anak natin." Aniya at marahang hinaplos muli ang mukha ko.

Anak natin.

Tila biglang kumirot ang puso sa narinig mula kay Veron. Anak natin. Anak namin.

Veron's right. Kahit anong mangyari, kahit anong katotohanang hindi ko maalala, anak namin si Ayah at hindi na mababago iyon. She's my daughter and I'm Veron's wife. And no one can change that. No one!

"Ayos ka lang ba dito?" Tanong muli sa akin ni Veron at hinawakan ang kamay ko. Naupo na rin ito sa tabi ko at matamang tiningnan ako. "If you want, sa opisina ko na lang muna ikaw maghintay sa akin, Amari. Para makapagpahinga ka na rin kahit papaano. I'm worried, okay. Baka ikaw naman ang mapano kung hindi ka magpapahinga kakabantay kay Ayah. May mga nurse naman na naka-duty dito sa ICU."

"Dito lang ako, Veron. Mas mapapanatag ako kung malapit ako kay Ayah." Mahinahong turan ko sa asawa at kinagat ang pang-ibabang labi. Namataan ko ang pagsilip muli ni Veron sa relo nito at mabilis na hinalikan ako sa labi.

"Mabilis lang itong surgery ko. Babalik agad ako dito para masamahan ka sa pagbabantay sa anak natin."

"Don't worry about me, Veron. Focus on your surgery. Ako na ang bahala kay Ayah. You need to save life, too. Ako na ang bahala dito." Sambit ko dito at tipid na nginitian ang asawa.

"Alright," ani Veron at tumayo na. Binitawan na nito ang kamay ko at muling bumaling sa loob ng ICU room ni Ayah. Humugot ito ng isang malalim na hininga at muling nagpaalam sa akin. Tahimik akong tumango dito at pinagmasdan na lamang ang papalayong bulto nito.

Ilang oras akong nanatiling nakatunganga sa kawalan hanggang sa may isang nurse na lumapit sa akin. Napaayos ako nang pagkakaupo at napatingin ako dito.

"Mrs. Mejia," tawag nito sa akin. "I'll just check the patient." Anito na siyang tipid na ikinatango ko. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at tahimik na tiningnan ang nurse na tumitingin ngayon sa anak ko. Inilapat ko ang kamay sa salamin ng ICU room ni Ayah at napabuntong-hininga na lamang. 

Ayah's safe now. Kailangan ko na lang tatagan ang loob ko ngayon. I need to trust Veron and Ayah's doctor. Soon, magigising din ito. Makikita ko na naman ang mga ngiti nito. Maririnig ko na naman ang pagtawag nito sa akin.

IAH2: Remembering The First BeatWhere stories live. Discover now