Chapter 11: Accident

778 48 2
                                    

Ilang linggo na ang nakalilipas simula noong madischarged na sa ospital si Ayah. Nakabalik na rin ito sa eskwela at kagaya nang nais niyang mangyari, tuwing umuwi ito ay mayroon itong stars galing sa teacher nito.

Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang magiliw na pagsasalita ni Ayah sa harapan ko. Kakauwi lang namin at ngayon ay inaayos ko ang damit na pambahay nito.

"Lindsay told that they will come here, mommy! They will visit us!" wika ni Ayah na siyang ikinatigil ko sa pagtatali sa buhok nito. "I missed Tita Sasa!" Dagdag pa nito at binalingan ako. "They will bring ice cream here, right, mommy?"

"Uhm... yes, baby. Lots of ice cream," sambit ko dito at nagpatuloy na sa pag-aayos sa anak.

Simula noong nakauwi kami dito sa unit namin ay hindi ko na muling nakita at nakausap sila Sasa at Xavi. Ako palagi ang naghahatid-sundo kay Ayah sa eskwela niya at iba ang nakikita kong nag-aasikaso kay Lindsay doon. Hindi ko na lang ito binigyan pansin pa. Baka umalis na rin sila dito sa New York at umuwi na sa Pilipinas. Mukhang tapos na ang bakasyon ng dalawa dito. Ngunit ngayon sinabi ni Ayah na dadalaw ang mga ito dito sa amin, tila natuwa ako sa kaalamang nandito pa rin sila na New York.

Kahit papaano'y naging mabuting kaibigan si Sasa sa akin. And besides, I badly need to talk someone right now. At kung dadalaw nga ang mga ito dito sa amin, makakausap kong muli ito at maari akong manghingi ng advice mula sa kanya.

"Mommy?" Napakurap ako noong marinig muli ang boses ni Ayah. Tumigil na ito sa pagkukuwento tungkol sa nangyari sa eskwela niya ngayong araw. Napaayos ako nang pagkakaupo at pinagmasdan ang tila hindi komportabeng ekspresyon ng anak ko. Tinapos ko na ang ginagawa at hinintay ang susunod na sasabihin ni Ayah. "Is daddy okay?"

Napaawang ang labi ko sa naging tanong ng anak. Hindi ko ito inaasahan kaya naman ay hindi agad ako nakapagsalita. Nakatingin lang ako dito at hinayaan ito sa pagsasalita.

"Is he okay, mommy?" ulit na tanong nito na siyang ikinalunok ko. "I heard him crying the other night. He thought I was sleeping and he cried while saying sorry to me."

Veron did that? Oh my God! Bakit naman niya gagawin iyon? Alam niyang matalino itong anak niya at agad na nararamdaman kung may mali sa mga taong nasa paligid niya! Why would he do that? Veron naman!

"Mommy." Naiiyak na tawag sa akin ni Ayah at yumakap sa akin. "I don't want to see daddy crying that's why I pretended to be asleep. I don't want to hear him cry. I love daddy, mommy!"

"Oh, baby." Naiiyak na ring sambit ko at gumanti nang yakap dito. Hinaplos ko ang buhok nito at maingat na hinalikan ito sa may ulo niya. "Daddy's fine, Ayah."

"But why did he cried?" tanong nito na siyang ikinakagat ko ng pang-ibabang labi ko. "I never saw him cried before. Why now, mommy? Is it because of me? Because I was sick?"

"No, baby, no," agarang sambit ko sa anak at dahan-dahang inilayo ito sa akin para makita ko ang mukha nito. "Ayah, baby, listen to mommy. Daddy's fine and he... he cried because he was glad that your finally home again. He was just happy to see you go to school again." Pagsisinungaling ko sa anak at muling hinalikan ang ulo nito.

Oh dear, God!

Bakit kailangang marinig pa ng bata ang pag-iyak ng ama nito?

"He cried because he was happy?" tila naguguluhang tanong ni Ayah sa akin. Hindi na ako nagkapagsalita pa at tinanguhan na lamang si Ayah. Muli kong niyakap ang anak at pinakalma ito. I keep on saying to her that everything's fine at dapat wala itong ipag-alala sa daddy niya.

Gabi na noong lumabas ako sa silid ni Ayah. Napagod ito sa eskwela at dahil na rin sa pag-iyak nito kanina, nakatulog ito habang yakap-yakap ako.

Wala sa sarili akong napatingin sa wall clock sa may salas ng unit namin at namataang alas-otso na pala ng gabi. Dahan-dahan akong nagtungo sa silid namin ni Veron at natigilan na lamang noong mamataang wala ito roon. Ipinilig ko ang ulo at bumalik sa may salas.

IAH2: Remembering The First BeatWhere stories live. Discover now