Chapter 15: Pain

694 43 0
                                    

"Goodmorning, mommy! Goodmorning, Lola!"

Napangiti ako sa magiliw na bati ni Ayah sa amin ni mommy. Mabilis niya akong hinalikan sa pisngi at tumakbo naman sa puwesto ni mommy at yumakap dito.

"Goodmorning, sweetheart," ani mommy at hinalikan ang noo ni Ayah. "How's your sleep? Have you seen your new room? Do you love it?"

"Yes, Lola! I love it!" Ayah exclaimed.

"That's good to hear, sweetheart. Later, we will go shopping!" sambit muli ni mommy na siyang ikinailing ko. "We'll buy your favorite toys, too!"

"I don't play toys, Lola," nawala ang ngiti sa labi ni Ayah ngunit agad din naman nagliwanag ang mukha nito noong tila may naalala. "But I want to buy new books, Lola!"

"Books?" takang tanong ni mommy sa anak ko at binalingan ako. Nagkibit-balikat ako dito at nagpatuloy sa paggawa ng almusal namin. "You love reading books, sweetheart?"

"Yes, Lola! And I want to paint, too! Just like mommy!"

Narinig ko ang tawa ni mommy kaya naman ay muli kong binalingan ang dalawa. Panay ang kuwento ni Ayah na siyang labis na nagpapasaya kay mommy.

"Breakfast is ready," wika ko na siyang ikinatigil ng dalawa. Agad na umalis si Ayah sa pagkakakandong sa mga hita ni mommy at mabilis na lumapit sa akin.

Maingat kong pinaupo si Ayah sa upuan nito at naupo na rin si mommy sa katapat kong upuan. Inilagay ko sa tapat nito ang kapeng inihanda ko para sa kanya at nginitian ito.

"Naaalala mo na rin ito, Destiny?" Natutuwang tanong ni mommy sa akin. Tumango ako dito at naupo na rin.

"Paunti-unting naaalala ng katawan ko ang mga dating ginagawa ko, mommy. Talagang nakatulong sa akin ang pagsama po sa inyo dito sa Boston."

"See! Sabi na sa'yo, anak, e!" magiliw na wika nito at ininom na ang paborito nitong kape.

Tatlong araw na ang nakalipas simula noong umalis kami sa unit namin sa New York. At kagaya ng nais ng aking ina, sumama kami ni Ayah sa kanya dito sa Boston kung saan may bahay iyong kamag-anak namin. It's a vacant house. Walang tao dito dahil may kanya-kanyang pamilya na rin ang mga pinsan kong dating naninirahan nito. Malaki ang bahay na ito para sa aming tatlo pero dahil sa kakulitan ng anak ko, hindi nagiging tahimik ang malaking bahay na ito.

"Mom, I want to remember daddy, too. Posible po bang makita o makausap ko ito? Baka makatulong po sa akin kung maririnig ko ang boses nito," sambit ko dito habang inaasikaso ang pagkain ni Ayah. Ramdam kong natigilan si mommy kaya naman ay napatingin ako sa gawi nito. Namataan ko itong seryosong nakamasid sa akin at mayamaya lang ay humugot ito ng isang malalim na hininga.

Umayos na ako sa puwesto ko noong matapos kong asikasuhin si Ayah. Kaya na nitong kumain mag-isa kaya naman ay hinayaan ko na ito. Seryoso ko na lamanng tiningnan si mommy at tinanong kung nasaan ngayon si daddy.

"He's busy, Destiny," seryosong sagot nito na siyang ikinalungkot ko.

"Hindi ba siya makakasaglit man lang para kausapin ako? Mom, I want to remember everything. At uunahin ko nang alalahanin ang pamilya ko."

"I know, darling. Pero sa tingin ko ay hindi pa ito ang tamang oras para maalala mo ang lahat. Sapat na siguro na naalala mo na ako."

Natigilan ako sa mga salitang binitawan nito. Umaayos ako nang pagkakaupo at mas kinatitigan ang ina.

"Mom, sabihin mo sa akin ang totoo. May nangyari ba kay daddy?" Nag-aalalang tanong ko dito at tiningnan nang mabuti ang magiging reaksiyon nito.

"Your dad is fine, Destiny. Sadyang lunod lang ito sa trabaho," sagot nito at nagsimula nang kumain ng agahan namin. Hindi ako kumibo sa kinauupuan ko kaya naman ay maingat na binitawan ni mommy ang hawak-hawak na kutsara. "Destiny, simula noong umalis ka sa Pilipinas, mas lalong nalunod sa trabaho ang daddy mo. He told me that he needs to work hard. Na kapag maisipan mong umuwi sa amin, maibibigay niya ulit ang lahat-lahat na mayroon siya sa'yo."

IAH2: Remembering The First BeatWhere stories live. Discover now