Chapter 22: Rest

735 47 4
                                    

"Mommy? Can you hear me, mommy? Lola! I can't see mommy! The screen is dark!"

Hindi ko sinagot si Ayah at nanatili lang ang paningin kay Von. Kita ko ang pag-awang ng mga labi nito at noong akmang magsasalita na sana ito, tsaka naman namin narinig ang boses ni mommy sa kabilang linya.

"Amari? Nasaan ka?" Tanong nito sa akin na siyang ikinabaling ko sa screen ng cellphone ko. "Nasa reception ka pa ba ng kasal ni Nempha?"

"Nasa dalampasigan po ako, mommy," sagot ko dito at muling binalingan si Von. Madilim na dito sa may dalampasigan kaya naman ay tiyak kong hindi nakikita ni mommy ang ekspresyon ko. I don't want her to see like this. I don't want her to know na nasa harapan ko mismo si Von ngayon.

"Bumalik ka na lang muna sa hotel room mo. Tatawag na lang ako sa'yo mamaya. Gustong marinig ng anak mo ang boses mo kaya naman ay hindi na ako nag-message sa'yo na tatawag kami ngayon."

"Ako na lang ang tatawag sa inyo mamaya, mom. May tatapusin lang akong trabaho."

"Trabaho? Amari, isang araw ka pa lang diyan. Let your body rest for a few days, darling. Hindi na ba sumasakit ang ulo mo? Call our family doctor once you feel something wrong again, okay?" Kinagat kong muli ang pang-ibabang labi ko at habang tinitingnan pa rin ang ekspresyon ng mukha ni Von. Alam kong gusto na nitong magsalita at pinipigilan lamang nito ang sarili. Nagpatuloy sa mga bilin nito si mommy hanggang sa tuluyang nagpaalam na ito at pinatay na ang tawag nila.

Ibinaba ko ang hawak na cellphone at walang ingay na tinalikuran si Von.

Sana'y nakuha na nito ang dahilan kung bakit ko ito iniiwasan. Matalino si Von. Alam kong alam na nito ang nangyayari ngayon sa amin.

"Destiny."

"Magpapahinga na ako, Von," malamig na wika ko dito at mariing ikinuyom ang mga kamao. "Babalik na ako sa silid ko. Kung kulang pa iyong mga narinig mo, then, ask me. Sasagutin ko iyon pero huwag lang muna ngayon. This is my cousin and your friend's wedding. Huwag nating sirain ang araw na ito."

Hindi na ako muling tinawag pa ni Von Sirius. Dali-dali akong naglakad pabalik sa hotel at hindi na muling nagtango pa sa reception hall kung nasaan ang iilang kamag-anak namin. Pumanhik na ako sa pangalawang palapag ng hotel kung saan naroon ang silid na naka-assigned sa akin.

Pabagsak akong nahiga sa kama at mariing ipinikit ang mga mata. Itinaas ko ang isang kamay ko at pinakiramdaman dito ang mainit na hawak ni Von Sirius kanina.

"Stop, Amari," mahinang bulong ko sa sarili at ibinaba na ang kamay. Ipinatong ko ito sa may dibdib ko at dinama ang masakit na tibok ng puso ko.

"Just a single touch from him, huh?" turan kong muli at napagdesisyunan nang magbihis. Tumayo ako mula sa pagkakahiga at nagtungo na sa banyo. At noong matapos na ako sa paglilinis sa katawan, tinawagan ko na si mommy at Ayah.

Naupo ako sa gilid ng kama at magiliw na binati ang anak. Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan ang mukha nito sa screen ng cellphone ko at noong si mommy na ang kausap ko ngayon, bigla akong naging seryoso. Napansin ito ni mommy kaya naman ay mabilis itong nagtanong sa akin.

"What wrong, Amari?" Tanong ni mommy noong umalis saglit si Ayah papunta sa silid nito. "May problema ba, anak?"

"I saw Von Sirius, mom," sagot ko dito at kinagat ang pangg-ibabang labi. "Noong tumawag kayo kanina, kasama ko ito sa may dalampasigan."

"What? Amari.... bakit hindi mo sinabi sa akin agad ito? Dapat ay-"

"Don't worry mom. Plano ko rin naman ipaalam ito kay Von."

IAH2: Remembering The First BeatWhere stories live. Discover now