Chapter 6: Wife

1K 59 23
                                    

Hindi na ako umimik pang muli at tinahak na ang daan patungo sa elevator ng palapag.

Tahimik akong naghintay sa pagbukas ng pinto at noong bumakas na ito, maingat akong sumakay doon. Walang emosyon akong tumingin sa labas ng elevator at napabuntong-hininga na lamang noong sumara na ang pinto nito. Maingat akong sumandal sa may elevator wall at wala sa sariling napaatingin sa mga floor buttons na naroon sa gilid. I silently tapped my fingers on the railings as I patiently wait for the elevator to reached the ground floor of the building. At noong nasa may ground floor na ito, umayos na ako nang pagkakatayo at inayos na rin ang pagkakasaklay ng bag sa balikat ko.

I was about to move my foot when the elevator door opened. Natigilan ako sa paggalaw noong mamataan ang isang pamilyar na mukha. Nasa labas ito nang elevator, nakatayo at gulat na napatingin din sa akin.

"Amari!"

"Sa... Sasa," sambit ko at maingat na inihakbang ang mga paa palabas ng elevator.

"What are you doing here? Ayos ka lang ba? May masakit ba sa'yo?" Sunod-sunod na tanong nito at hinila ako palayo sa may elevator. "What happened? May problema ba sa... hey, what's wrong? You looked pale, Amari." Nag-aalalang tanong pa nito at hinigpitan ang hawak sa kamay ko.

"It was Ayah," sambit ko sa kaibigan at humugot ng isang malalim na hininga. "Nadulas ito sa banyo kaninang umaga at tumama ang ulo nito sa kung saan."

"Oh my God! How is she? Ayos na ba ang lagay nito?"

"Katatapos lang ang surgery nito, Sasa. And now, kailangan kong umuwi para kumuha ng mga gamit namin. Nasa may ICU si Veron at binabantayan ang anak namin ngayon," wika ko at wala sa sariling napatingin sa likuran ni Sasa. Napakunot ang noo ko noong mamataan ko ang babaeng nakita kanina roon sa labas ng ICU room ng anak ko.

"Sasamahan na kita, Amari. I'll drive you home... Amari? Nakikinig ka ba?"

Napakurap ako noong magtanong muli si Sasa. Napabaling ako dito at wala sa sariling napailing dito.

"Sasa, I think some of my memory just came back earlier." Mahinang turan ko at itinuro ang babaeng nakita kanina. Bumaling sa likuran nito si Sasa at namataan namin ang pakikipag-usap ng babae sa isang doktor ng ospital. "I saw her earlier and suddenly, images of her flashed inside my head."

"You sure about that, Amari?" Mahinang tanong ni Sasa na siyang ikinatango ko.

"I'm sure it was her. Hindi ako maaring magkamali." Mariing sambit ko habang hindi pa rin inaalis ang paningin sa babae at sa kausap nitong doktor.

Hindi ko alam kung ano ang koneksiyon ko sa kanya o sa asawa at sa anak ko. But, I have this bad feeling about her and I don't like it. Masama ang kutob ko sa biglaang presensiya nito dito sa ospital.

Ilang taon na rin ang lumipas simula noong nagising ako mula sa aksidenteng kinasangkutan ko noon at ngayon lang ako nakaramdaman nang ganito. Ngayon ko lang din kinuwestiyon ang lahat nang nangyayari sa paligid ko. I never doubt before. Kahit wala akong maalala, naging kampante ako dahil sa presensiya ng asawa at anak ko. But now, it's different. Ilang araw nang may bumabagabag sa akin. Idagdag mo pa ang mga larawang iniiwan ni Xavi sa akin! Mas lalong gumulo ang dating tahimik na buhay ko!

I silently sighed as I watch the woman walked gracefully while still talking to the doctor. At noong mawala ito sa paningin ko, muli kong binalingan si Sasa.

"I saw Xavi earlier, Sasa." Sambit ko dito noong maalala ang pag-uusap namin ni Xavi kanina na siyang ikinatigil ng kaibigan ko. "He's here for Doctor Douglas."

"Douglas is my cousin," mahinang sambit ni Sasa na siyang ikinatango ko na lamang. "Come on. Sasamahan na kita pabalik sa condo unit niyo."

"You sure? Hindi ba ako makakaabala sa'yo."

IAH2: Remembering The First BeatWhere stories live. Discover now