Chapter 9: Truth

885 50 3
                                    

"Amari."

Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko noong mabilis akong niyakap noong babaeng kausap ko kanina sa telepono. Mahigpit ang pagkakayakap nito sa akin at noong maramdaman ko ang pag-iyak nito, natigilan ako.

Why is she crying? Is it because of me?

"Oh my God! Oh my God! Thank you, Amari! Thank you for letting me see you!" Sambit pa nito at nagpatuloy sa pag-iyak. Mas lalong humigpit ang ang yakap nito sa akin kaya naman ay bahagya akong nailang sa kanya.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko alam kung ilalayo ko ba ito sa akin o hahayaan na lamang ang pag-iyak nito habang yakap-yakap ako.

"Thank you, Amari. Thank you," ulit ni Adliana at dahan-dahang kumalas na sa pagkakayap sa akin. Tahimik ko itong pinagmamasdan at noong kumalma na ito sa pag-iyak, hinawakan naman nito ang magkabilang mga kamay ko. "Sasa told me you don't remember us. Kahit si Xavi ay hindi mo raw matandaan. Totoo ba? May... may amnesia ka, Amari?"

"Naaksidente kami ni Veron." Maingat na wika ko na siyang ikinatigil naman ni Adliana.

"Veron? Who's that? Your friend?" Takang tanong nito sa akin.

Hindi niya kilala si Veron? Impossible! Kung kapatid ko talaga ang babaeng ito,  hindi ba dapat ay kilala niya si Veron! He's my husband for Pete's sake!

"Hindi mo kilala si Veron?" Maingat na tanong ko sa babae. "Adliana, I'm sorry pero baka hindi ako ang hinahanap niyong Amari. Baka nagkamali lang kayo nila Xavi sa akin. Baka kapangalan ko lang ito." Wika ko na siyang mabilis na ikinailing nito sa akin.

"No, Amari. There's no hell way na magkapangalan lang kayo ng Amari na hinahanap namin. Ikaw talaga ang kapatid ko. The moment Sasa showed me your picture with her, I know it was you." Aniya at hinaplos ang kanang pisngi ko. Bahagya akong nagulat sa ginawa nito ngunit noong makita ko ang malungkot na ekpresyon nito sa mukha, napirmi ako sa kinatatayuan ko. "We missed you, Amari. Lalo na sila Mama at Papa. Umuwi ka na sa amin. Bumalik ka na sa Pilipinas, Amari." Malungkot na turan nito.

"I... I don't have my memories with me. Kahit na umuwi pa ako, wala pa rin akong maaalala. At isa pa, nandito ang pamilya ko, Adliana. Hindi ko sila iiwan para lang sa pansariling kapakanan."

"Pamilya?" Kunot-noong tanong ni Adliana sa akin. "Amari, kami ang pamilya mo. Nasa Pilipinas ang pamilya mo."

"No," mabilis na sambit ko dito. "I have my own family now, Adliana. I have a loving husband and an adorable daughter." Dagdag ko pa na siyany ikinagulat ng kausap ko. Mukhang wala talaga itong ideya tungkol kay Veron at Ayah.

"Husband?" Tanong niya at mabilis na napailing. "Alam kong may anak ka na dahil buntis ka noong umalis ka sa Pilipinas pero ang magkaroon ng asawa? Amari, you were engaged once pero hindi natuloy ang kasal niyo. And this ring," anito at hinawakan ang kamay ko kung saan naroon ang engagement and wedding ring ko. "This was your engagement ring before."

"And I'm married now. Siya ang ama ng anak ko."

"You never marry Von Sirius, Amari. That's impossible!" Anito na siyang ikinakabog ng dibdib ko.

Von Sirius? Sino naman ito? 

"Amari, sino ang tinutukoy mong asawa mo?" Seryosong tanong ni Adliana sa akin. Hindi ko ito sinagot at mabilis na binawi ang kamay sa babae. Umatras ako ng isang beses palayo dito kaya naman ay namataan kong naalarma ito.

"Amari..."

"I'm sorry pero mukhang mali nga yatang tinawagan kita kanina." Mabilis na sambit ko dito at tinalikuran na ito. Malalaking hakbang ang ginawa ko at noong nasa may entrance na ako ng hardin ng ospital, mabilis akong natigilan sa pagkilos noong makitang naroon si Veron.

IAH2: Remembering The First BeatWhere stories live. Discover now