Amari's Heart - Part 3

971 45 10
                                    

Halos wala akong lakas noong lumabas ako sa opisina ng doktor ko.

Bawat hakbang na ginagawa ko ay tila lalong bumibigat ang mga paa ko.

"No," mahinang sambit ko at napahawak sa pader 'di kalayuan sa puwesto ko. "No, please," halos ibulong ko na lamang iyon at mariing ipinikit ang mga mata ko.

Ilang minuto pa akong hindi nakagalaw at nakatunganga sa kawalan.

Nakaupo na ako ngayon sa driver's seat ng sasakyan ko at walang balak na umalis sa harapan ng ospital kung saan ako nagpatingin ng kalagayan ko. Nanghihina akong napayuko sa manibela ng sasakyan ko at napamura na lamang.

This can't be happening to me! Ayos na ako. Magaling na ako!

Mabilis akong napaayos nang pagkakaupo noong marinig ang pagtunog ng cellphone ko. Hinawi ko ang buhok kong tumama mukha ko at tiningnan kung sino ang tumatawag ngayon.

It was Sasa.

Wala sa sarili na lamang akong napamurang muli noong mapagtantong gabi na at paniguradong hinihintay na nila ako ngayon sa mansiyon ng mga Henderson. Mabilis kong sinagot ang tawag ni Sasa at sinabihang nasa biyahe na ako. Pinaandar ko na ang makina ng sasakyan ko at nagsimula nang magmaneho.

Umabot ng isang oras ang naging biyahe ko pabalik sa mansiyon ng Henderson. Nagmamadali pa ako sa pag-park ng sasakyan ko at noong pinatay ko na ang makina ng sasakyan ay mabilis akong bumaba sa sasayan ko.

Agad kong binati ng guard na nakabantay sa gate ng mansiyon nila Yvana at pinapasok na ako. Nagpasalamat ako dito at dere-deretso nang naglakad papasok sa main door ng mansiyon. Ang sabi ni Sasa sa akin kanina noong tumawag ito ay sa hardin daw nag-set up na inihanda ni Yvana para sa dinner na ito kaya naman ay doon agad ako nagtungo.

Ilang hakbang pa ang layo ko sa hardin ay natigilan na ako sa pagkilos.

Kung tama ang pagkakaalala ko, ang sabi ni Sasa ay nagsisimula na sila. Late na rin kasi at gutom na ang mga bata. Kunot-noo akong naglakad muli hanggang sa tuluyang marating ko ang hardin ng mga Henderson.

"What..." Hindi ko na natapos pa ang dapat na sasabihin ko noong mamataan ang itsura ng paligid. May isang mahabang mesang naka-set up sa gitna nito ngunit wala sila Sasa roon! Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa gitna. Nagpalinga-linga ako at natigilan na lamang noong biglang namatay ang ilaw sa buong hardin.

"Sasa? Yvana? What is this?" Tawag ko sa dalawa at dahan-dahang inihakbang ang mga paa. Wala akong makitang kahit ano kaya naman ay maingat ang bawat hakbang ko. At noong makaramdam ako ng presensiya sa likuran ko, mabilis akong natigil sa pagkilos.

"You're late," sambit nito at mahinang tumawa sa likuran ko. Nanlaki ang mga mata ko narinig at mabilis na bumaling sa gawi nito.

Pilit kong inaaninag ang may-ari ng boses na iyon ngunit wala talaga akong makita! Inangat ko ang kamay ko at marahang iginalaw ito. At noong maramdaman kong may humawak sa kamay ko, napaawang na lamang ang mga labi ko.

"Von?" tanong ko at pinakiramdaman ang kamay na may hawak sa kamay ko. "Ikaw ba iyan?" dagdag ko pa at napapitlag na lamang noong hapitin ako nito papalapit sa kanya. Naramdaman ko ang paghawak nito sa bewang ko at mas lalong akong inilapit sa katawan nito.

"I'm home," bulong nito na siyang mabilis na ikinayakap ko sa kanya. Kahit na hindi ko ito nakikita ngayon, alam kong si Von Sirius ito! Narinig ko ang mahinang pagtawa muli nito at mayamaya lang ay binuksan muli nila ang ilaw kasabay ng ilang tawanan mula sa mga kaibigan ko.

Mabilis akong humiwalay mula sa pagkakayakap kay Von at binalingan sila Sasa. Kita ko ang mga ngisi nila sa akin at naglakad pa palapit sa puwesto naming ni Von Sirius.

IAH2: Remembering The First BeatWhere stories live. Discover now