Chapter 27: Start

753 47 3
                                    

Nakayuko ako habang nakaupo sa gilid ng kama ko. Si Von naman ay tahimik na nakatayo sa harapan ko at matamang nakatingin lamang sa akin.

"What really happened to you, Destiny? Sa loob ng anim na taon, ano ang totoong nangyari sa'yo?"

Napalunok ako at napahugot ng isang malalim na hininga.

Alam kong wala na akong takas pa kay Von Sirius ngayon. Dahil sa emosyon ko kanina, nasabi ko sa kanya ang tugkol sa anak namin. Kaya naman noong kumalma na ako sa pag-iyak kanina ay maingat niya akong pinasok sa kuwarto ko at pinaupo sa gilid ng kama.

Muli itong nagtanong sa akin kaya naman ay napaayos na ako nang pagkakaupo at sinalubong ang mga titig nito sa akin.

"Bago pa man ako umalis dito, buntis na ako, Von," seryosong wika ko na siyang ikinatigil nito sa kinatatayuan niya. "At dalawang tao lang ang nakakaalam tungkol sa pagbubuntis ko, si Adliana at... si Xavi."

"Fuck that asshole," mariing sambit ni Von noong banggitin ko ang pangalan ng pinsan niya. "Bakit hindi mo sinabi sa aking ang tungkol sa kondisyon mo? Bakit si Xavi pa ang mas nakakaalam sa pagbubuntis mo?"

"Noong pumunta tayo sa ospital para kausapin si Zsamira, Xavi was there too, remember? Noong halos magwala na ito at iniwan mo ako para tahanin ang kaibigan mo, si Xavi ang kasama ko. At sa mga oras din na iyon ay nakaramdam ako nang pagkahilo. Sinamahan ako ni Xavi at nagpatingin ako sa doktor."

"And you were pregnant. With my child."

"Yes, Von," mahinang sagot ko.

"Bakit hindi mo ito ipinaalam sa akin?" ulit na tanong nito sa akin na siyang ikinahugot kong muli ng isang malalim na hininga.

"Dahil magulo pa tayo noon, Von. Sobrang gulo. Hindi pa maayos ang lahat sa atin. Plano kong sabihin iyon sa araw ng kasal natin ngunit noong engagement party pa lang, hindi ka na sumipot. Hindi ka na dumating para sa amin ng anak mo."

"I was there, Destiny. Dumating ako," mariing sambit niya na siyang ikinatigil ako. "Dumating ako pagkatapos kong asikasuhin ang tungkol kay Mira."

"Iyon na nga ang problema natin noon, Von. You cared too much sa kaibigan mo na iyon kaya sa mismong engagement party natin ay nahuli ka. Hindi mo na ako naabutan pa."

"Ginawa ko iyon para matapos na ang lahat-lahat. Sa araw na iyon ay tinapos ko na ang kung anong pagkakaibigan namin ni Mira. I told her that it was the last time I will ever see her again. Na hindi na ako tatakbong muli para iligtas ito. Na mas uunahin kita dahil mahal na mahal kita!"

"But... you came late, Von." Hindi ko na napigilan pa ang mga luha ko. "Sa simula pa lang, plano na nilang sirain ang relasyon natin. Si Mira at Harlyn, plinano nilang lahat at noong araw ng engagement natin, I was alone. I faced them alone!"

"Destiny-"

"I was so damn scared that day, Von. Hindi mo alam kung anong klaseng takot ang ibinigay nila sa akin! I can feel my parents and your parents' disappointment with me and my actions! Wala akong ginawang masama, Von, so, bakit nila iyon ginawa sa akin? I was cornered by them! Hindi ko alam na kaya nilang gawin iyon sa akin! Hindi ko alam na kaya nila akong sirain sa lintek na presentation na ginawa nila sa araw ng engagement party natin!"

Mabilis kong inalis ang mga luha at napayuko na lamang. Napaawang ang labi ko dahil sa matinding kirot sa puso ko. Biglang bumalik sa akin ang mga nangyari noong gabing iyon. Lahat ng galit sa puso ko ay biglang bumalik sa akin. Lahat ng ginawa nila noon ay naging sariwang muli sa isipan ko. Lahat ng iyon ay isang bagsak na bumalik sa akin at ngayon ay hindi ko na mapigilan pa ang mga luha ko.

Damn! Hindi pa ba nauubos itong lintek na mga luhang ito?

Napahugot ako ng isang malalim na hininga at mariing ikinuyom ang mga kamao.

IAH2: Remembering The First BeatWhere stories live. Discover now