Chapter 28: Search

755 38 4
                                    

"Kuya, tama na iyan."

Hindi ko pinansin si Yvana at pinagpatuloy ang pag-inom. Pabagsak kong inilapag sa mesa ang basong hawak-hawak at sinubukang tumayo na.

"Kuya!" muling sigaw ng kapatid at mabilis na nilapitan ako noong biglang nawalan ako ng balanse at napaupo sa sahig. "Kuya, stop it already! Hindi natin mahahanap si Destiny kung lulunurin mo ang sarili mo sa alak! Come on! Itigil mo na ito!"

"She left me. She's not coming back," bulong ko at hinayaang ang katawang mahiga sa malamig na sahig. "Iniwan na niya ako nang tuluyan. Kasalanan ko ito."

"Oo! Kasalanan mo, kuya, kaya naman umayos ka riyan! You need to be better para naman bumalik na si Destiny dito!" sigaw ni Yvana at hinawakan na ang kamay ko. "Tumayo ka na riyan!"

"Hindi na siya babalik..."

"Kung ganyan ang inaasal mo, talagang hindi na ito babalik sa'yo."

Kahit hindi ko na ito lingunin pa ay alam ko na kung sino ang nagsalita. Nanatili ang mata ko sa kisame at binawi ang kamay sa kapatid.

"Ako na ang bahala sa kuya mo, Yvana."

"Huwag kayong mag-aaway dito, Kuya Xavi. Just talk to him, okay?"

"Sure thing," ani Xavi at tuluyang iniwan na kami ni Yvana sa study room ko.

"Tumayo ka na riyan at ubusin na natin itong alak mo."

"Akala ko ba nandito ka para pigilan ako?" Naiiling na tanong ko kay Xavi at maingat na naupo. Dahan-dahang kong itinayo ang sarili at bumalik sa upuan ko kanina. Tahimik kong kinuha ang basong sinalinan ni Xavi ng alak at inisang tungga ko ito.

"Ano na ang plano mo ngayon?" seryosong tanong nito na siyang ikinasandal ko ng likod ng backrest ng upuan.

"Ayaw ipahanap ni Tito Dennis si Destiny Amari," mapait na sambit ko at napatingin sa baso kong nilagyan na naman ni Xavi ng alak.

"At dahil sinabi ng daddy niya na huwag mong hanapin, hindi mo na talaga ito hahanapin? Von, hindi ako nagparaya para lang maging ganito ang kalalabasan ng lahat."

"Oh, shut up. I have my ways." Naiiling na sambit ko at ininom muli ang alak sa baso ko. "I will find her no matter what. Kahit maubos pa ang pera ko kakahanap sa kanya, gagawin ko."

"May ideya ka ba kung nasaan ito ngayon?" tanong muli ni Xavi at nagsimula na ring uminom. "Mga kamag-anak sa probinsiya?"

"Naka-usap ko na lahat ng kamag-anak nila dito sa Pilipinas at ni isa sa kanila ay walang ideya kung nasaan si Destiny,"

"So, nakalabas na siya ng bansa," mahinang saad nito at muling nagsalin ng alak sa mga baso namin. "Paano natin ito mahahanap ngayon?"

"Hindi ko alam, Xavi. Basta gagawin ko ang lahat para mahanap ito. Sa kahit anong paraan, hahanapin ko ito at itutuloy namin ang kasal namin."

Itinaas ni Xavi ang hawak na baso nito kaya naman ay umayos ako nang pagkakaupo. Itinaas ko na rin ang basong hawak ko at binangga ito sa baso niya.

"For your happiness, Von. Let's find her."

Isang taon.

Sa loob ng isang taon ay hindi ako tumigil kakahanap kay Destiny Amari. Kahit na sinabihan na ako nila mommy na tumigil na, hindi ko pa rin ito ginawa. Palihim akong nag-imbestiga. Palihim kong hinanap ang pinakamamahal ko.

Ilang beses din akong umalis papunta sa ibang bansa. Kahit na walang kinalaman ito sa negosyo at umaalis ako na siyang ikinagalit na sa akin ng mga magulang ko. Ngunit hindi iyon naging dahilan para tumigil ako sa paghahanap. I was using my own money. Lahat ng napundar ko ay halos maubos na kakahanap kay Destiny Amari. Wala akong pakealam pa. Wala na sa akin ang mawala ang lahat basta hanap at makasama ko lang itong muli.

Ngunit lumipas ang tatlong taon, wala akong nakuhang kahit ano. Walang napala ang paghahanap ko kaya naman ay muli kong kinausap ang mga magulang ni Destiny.

"Von, itigil muna ito," sambit ni Adliana na siyang ikinailing ko.

"Nagpapahinga ka pa ba, Von Sirius? Look at yourself! Napapabayaan mo na ang sarili mo!" Nilapitan ako ni Tita Amanda at hinawakan ang kamay ko. "Babalik din sa atin si Destiny, Von. Kaunting hintay na lang."

"Paano kung hindi na ito bumalik, Tita? Hahayaan na lang po ba natin ito? Ni hindi nga natin alam kung maayos ito ngayon!" Hindi ko na napigilan pa ang emosyon ko. Napayuko ako at hindi na ako nagulat pa noong kusang lumabas sa mga mata ko ang mga luha ko. "Hindi ko na alam kung hanggang kailan ako maghihintay, Tita Amanda. I need her. I need to see her or else, I will totally lost it!"

"Von," tawag pansin sa akin ni Tito Dennis na siyang ikinatigil ko. "Hindi natin makikita ang taong ayaw magpakita sa atin," aniya na siyang ikinakunot ng noo ko. "Hindi ko ito sinabi sa'yo noon pero minsan na namin pinahanap si Destiny Amari. At kagaya mo, wala kaming nakuhang lead kung nasaan ang anak ko."

"Pinahanap mo siya, Dennis?" Hindi makapaniwalang tanong ni Tita Amanda sa asawa. "Tatlong taon na ang lumipas, Dennis. Hindi ba parang huli na ang pagkilos mo?"

"Mom, dad, please, hindi makakatulong kay Von kung pati kayo ay mag-aaway." Pumagitna si Adliana sa mga magulang nito at binalingan ako. "Von, you need to rest. Ipahinga mo muna ang katawan mo. Hindi makakatulong sa sitwasyon natin kung bumigay ang katawan mo."

"I can't just rest and do nothing, Adliana. Kahit nga sa pagtulog ay si Destiny pa rin ang hinahanap ko!"

"Lahat tayo nag-aalala kay Destiny Amari, Von." It was Tito Dennis again. "Pero tama si Adliana, magpahinga ka muna."

Hindi ko alam kung paano nila nagagawa iyon. Hindi ko alam kung paano sila kalmado sa sitwasyong ito. Alam kong may tiwala sila kay Destiny ngunit tatlong taon na ang lumipas at wala pa rin kaming makuhang impormasiyon tungkol sa kung nasaan ito! Mababaliw na talaga ako kung sa mga susunod na araw ay wala pa rin kaming lead kung nasaan si Destiny!

Wala akong napala sa pakikipag-usap sa mga magulang ni Destiny Amari. Panay ang tanong ko rin kay Adliana pero kagaya ko, hindi talaga nito alam kung nasaan ang kapatid.

Napabuntong-hininga na lamang ako at mas binilisan ang pagpapatakbo sa sasakyan.

"Destiny," mahinang tawag ko sa pangalan nito at mariing hinawakan ang manibela ng sasakyan ko. Mas binilisan ko ang pagpapatakbo at noong kakabigin ko na sana pakanan ang manibela nito, bigla kong hindi naigalaw ang kamay ko. Nanlaki ang mga mata ko at tuluyang nawalan ng kontrol sa minamanehong sasakyan.

"Damn!"

Nasa ospital na ako noong magising ako.

Maingat kong pinakiramdaman ang sarili at natigilan na lamang noong hindi ko maramdaman ang mga paa ko! Napamura na lamang ako at pilit na iginalaw ang katawan.

"Kuya!" Narinig kong sigaw ni Yvana at mabilis na lumapit sa akin. "You're awake!" bulalas muli nito at tinawag ang doktor na nag-aasikaso sa akin. Mayamaya lang ay nagsipasok na ang mga doktor at nurse sa silid ko. Segundo lang din ay dumating na ang mga magulang ko.

"I can't feel my feet," walang emosyong sagot ko noong tanungin ako ng doktor. "I can't move it!" sigaw ko.

"Von, anak, calm down please," ani mommy at hinawakan ang kamay ko. "Doc, anong nangyayari sa anak ko?"

"Successful lahat ng surgery ng pasiyente. For now, let's run some more test, Mrs. Henderson. Tingnan natin kung anong naging epekto ng aksidente sa mga paa nito."

No. Hindi maaring mangyari ito! Hindi maaring hindi ako makalakad ngayon! Paano ang paghahanap ko kay Destiny Amari?

No. This can't be happening to me!

IAH2: Remembering The First BeatWhere stories live. Discover now