Chapter 14: Mother

713 47 5
                                    

Isang araw lang kaming nanatili ni Ayah sa bahay nila Cristina.

Kinabukasan ay maaga akong nagpaalam sa mag-asawa na uuwi na kami ng anak ko. Walang sinabi sa akin si Cristina at maingat na tinanguhan na lamang ako. Si Cristina na rin ang naghatid sa amin pauwi at noong nasa labas na kami ng building ng unit namin, mabilis akong nagpasalamat at bumaba na sasakyan nito.

"Hindi ka ba nahihirapan, Amari? Ihahatid na kita hanggang sa unit niyo," nag-aalalang tanong ni Cristina sa akin at tiningnan ang buhat-buhat ko na si Ayah. Nakatulog kasi ito sa biyahe. Mukhang napagod sa pakikipaglaro sa pinsan niya kaya naman ay hindi ko na ito ginising pa.

Ngumiti ako kay Cristina at marahang umiling.

"Ayos lang ako, Cristina. Kaya ko ito, ano ka ba. Sige na. Umalis ka na at naghihintay si Crisha sa'yo."

"Alright. Tawagan mo lang ako kung may kailangan kayo ni Ayah, ah."

"Of course." Nakangiti ko pa ring sambit dito. "Thank you so much, Cristina. Balitaan kita kapag makapagdesisyon na ako tungkol sa napag-usapan natin kahapon."

Marahang tumango sa akin si Cristina at nagpaalam na sa akin. Muli nitong binuhay ang makina ng sasakyan at pinaandar na ito palayo sa kinatatayuan ko.

Napabuntong-hininga na lamang ako at inayos ang pagkaka-karga kay Ayah. Hinawakan ko nang mabuti ang bag na naglalaman ng mga gamit namin at nagsimula nang maglakad papasok sa may building ng unit namin.

Tahimik akong sumakay sa elevator at inayos ang pagkakakarga sa anak. Tiningnan ko ang number buttons ng elevator at napabuntong-hininga na lamang. Mayamaya lang tumigil na ang elevator sa tamang palapag kaya naman ay maingat na akong lumabas roon. Nagsimula na akong maglakad patungo sa unit namin at noong may nakita akong tao 'di kalayuan sa puwesto ko ay natigilan ako sa pagkilos.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at tiningnan lang ito na nakatayo sa harap pintuan ng unit namin.

"Who is she?" mahinang tanong ko sa sarili at pinagmasdan lang ang babaeng nakatayo sa harapan ng unit namin. Inayos ko ang pagkakakarga kay Ayah at noong napagdesisyunan ko ng ipagpatuloy ang paglalakad ay tsaka naman humarap sa gawi namin ang babae.

I froze where I'm standing. Namataan ko ring natigilan ang babae at gulat na nakatingin sa akin.

Napaawang ang labi ko noong biglang may mga imahe akong nakita sa isipan ko. Mahigpit kong hinawakan ang bag sa kamay ko at pilit na ikinalma ang mga sarili.

Memories.

Biglang bumuhos sa akin ang mga alaala ko sa babaeng nasa tapat ng unit namin!

Napalunok ako at sinubukang igalaw ang mga paa ko. At noong tuluyang maihakbang ko na ang mga paa ko, dahan-dahan akong lumapit sa babaeng tila kanina pa naghihintay sa pagdating namin ni Ayah.

"Destiny," mahinang sambit nito sa pangalan ko noong tuluyang makalapit na ako dito. "Oh my God. Destiny Amari!" Tila naiiyak na dagdag pa nito at hindi inalis ang paningin sa akin.

"Mom," wala sa sariling turan ko na siyang ikinatigil ng babaeng nasa harapan ko.

Yes, I remember her. I remember her face, her voice, everything. Pagkakita ko pa lang dito kanina ay bumuhos na ang mga alaala ko tungkol sa kanya. At kagaya nang natuklasan ko kahapon, hindi na nga sumasakit ang ulo ko kapag may naaalala ako tungkol sa nakaraan ko!

"You... you remember me, darling?" mahinang tanong nito at maingat na inihakbang ang mga paa palapit sa akin. "Natatandaan mo na ako, anak?"

Marahan akong tumango dito at mabilis na natigilan noong gumalaw at nagising si Ayah habang karga-karga ko ito. Napaayos ako nang pagkakatayo lalo na noong magmulat ng mga mata ang anak ko.

IAH2: Remembering The First BeatWhere stories live. Discover now