Chapter 1: Love

1.7K 63 15
                                    

Mahigit isang oras din akong nanatili sa simbahang pinagdalhan sa akin ni Veron. Tahimik lang akong nakaupo at nakatingin sa kawalan.

Noong makalabas ako sa simbahan ay marahan akong humugot ng isang malalim na hininga. Ipinikit ko ang mga mata ko at nagpasyang magtungo sa pinakamalapit na restaurant o coffee shop man lang para kumain. May dalawang oras pa ako bago ang uwian ni Ayah. I'll just entertain myself while waiting for my daughter.

Mabilis akong pumara ng taxi at nagpahatid sa restaurant na malapit lang sa simbahang pinanggalingan ko. It was only a ten minutes drive kaya naman ay mabilis akong nakarating sa patutunguhan ko. Nagbayad na ako sa driver at mabilis na bumaba sa taxi. Agad din naman akong pumasok sa coffee shop at nakangiting sinalubong ng isa sa mga staff ng kainan.

"How about our best seller, Ma'am? It's one of the finest pasta around the city!" Nakangiting sambit nito na siyang inilingan ko lang.

"I'm sorry but I'll just take what I've order. Thank you," I declined her offer and smile. Tumango naman ito sa akin at nagpaalam na. Pinagmasdan ko itong naglakad palayo sa akin hanggang sa pumasok ito sa pinaka-counter ng shop.

I just ordered a fruit juice and a slice cake for me and Ayah. Hindi ako mahilig sa sweet foods pero dahil sa anak ko ay nakahiligan ko na rin ito.

Minuto lang ay isinerved na sa akin ang order ko. Mabilis akong nagpasalamat sa staff na nag-asikaso sa pagkain ko at nginitian ito.

I was enjoying my food when someone approached me. Natigilan ako at napatingin sa taong naupo sa bakanteng upuan sa harapan ko.

"Hi!" bati ng babae at nginitian ako. "You looked familiar. Have we met before?" She asked me.

"No," simpleng sagot ko at hindi inalis ang paningin sa kanya. I don't know her. Sa ilang taong pamamalagi ko sa bansang ito, wala akong ibang nakasalamuha kung hindi ang pamilya ko at ang doktor ko na siyang kaibigan naman ni Veron.

"That's odd," sambit ng babae at napaayos ng buhok ni. "Alam kong nakita ko na talaga ang mukha niya." Dagdag pa nito nang pabulong lang. Natigilan ako.

"Pinoy ka?" tanong ko at umayos nang pagkakaupo.

Kita kong nanlaki ang mga mata nito at mabilis na tumango sa akin.

"Oh my! Hi, I'm Amari!" pakilala ko at inilahad ang kamay sa kanya.

"Sasa," pakilala ng babae at tinanggap ang pakikipagkamay ko. "I can't believe that you're a Filipino, too! Kaya pala pamilyar ang mukha mo. May dugong Pinoy ka pala!"

"I'm happy to meet you. Ilang taon na rin akong walang nakakasalamuhang Pinoy." Nakangiting sambit ko dito.

Hindi ko namalayan ang oras. Nawili kami sa pag-uusap ni Sasa at noong mapabaling ako sa orasan ng cafe na kinaroroonan ko ay mabilis akong napatayo.

Damn it!

"What's the problem?" Tila nagulat si Sasa sa biglang pagtayo ko.

"I'm sorry but I need to go, Sasa," sambit ko at dinampot ang bag sa tabi. "Hope to see you again." Dagdag ko pa at lumabas na sa cafe.

Dali-dali akong pumara ng sasakyan at nagpahatid sa paaralan ng anak. Habang nasa sasakyan ay kinuha ko ang cellphone ko sa bag. Napangiwi ako noong makita ang tatlong missed calls galing kay Veron at dalawa naman galing sa teacher ni Ayah. Great! I'm late!

"Veron? Sorry hindi ko napansin ang pagtawag mo," panimula ko noong sagutin agad ng asawa ko ang tawag ko sa kanya. "Papunta na ako sa
school ni Ayah."

"Malapit na rin ako roon. Her teacher called me. Hindi ka raw makontak kanina. Are you okay?" My husband asked.

"I'm fine. Sorry, may nakausap kasi akong Pinoy sa cafe na napuntahan ko. Hindi ko napansin ang oras. Sorry." Sambit ko at kinagat ang pang-ibabang labi.

"That's okay. Nandito na ako sa school. Susunduin ko na si Ayah then we'll wait for you in front of the gate."

"Alright." tipid na tugon ko at nagpaalam na sa kanya.

Napasandal na lamang ako sa backrest ng upuan. Napahilot ako sa sintido at humugot ng isang malalim na hininga.

Great, Amari! Bakit ngayon ka pa pumalpak! Baka hindi ka na payagan ni Veron sa susunod na magpaalam ka! Great!

Noong makarating ako sa school ng anak ko, agad akong nagbayad sa driver at bumaba na. Sa malayo pa lang ay namataan ko na si Veron at Ayah. Nag-uusap ang dalawa at noong makita ako ng anak ko ay agad itong ngumiti at kinawayan ako.

"Mommy!"

"Ayah," sambit ko at hinalikan ang anak sa pisngi. "Sorry, I'm late." Dagdag ko pa at napabaling kay Veron. "Pasensya na talaga. Hindi ko namalayan ang oras."

"Ayos lang, Amari. Let's go?" Yaya nito na siyang ikinatango ko. Hinawakan ko ang kamay ng anak at sinabayan ito sa paglalakad.

"Mommy, I have three stars for today!" Magiliw na sambit ni Ayah at ipinakita ang tatlong bituin sa kamay nito. Nginitian ko ito at marahang hinaplos ang buhok.

"Good job, baby," sambit ko pinagbuksan ko ito ng pinto ng sasakyan. Pinaupo ko ito nang maayos at sinuotan ng seatbelt at noong nasiguro kong maayos na ang puwesto nito, isinara ko ang pinto sa backseat at nagtungo na sa may passenger seat.

"Ang sabi ng teacher niya ay may activity daw sila Ayah bukas," ani Veron habang nagmamaneho pabalik sa unit namin. "I have an executive meeting tomorrow morning. Ayos lang ba na ikaw na lamang ang pumunta? I already talked to our daughter. She said that's fine."

Napatango ako at tiningnan si Ayah sa likuran. Ngumiti ang anak ko at sinabi sa akin lahat ng mangyayari bukas.

"I'll be the leader, mommy!" Excited na turan ng anak ko. "I already memorize my part! No need to teach me." She confidently said.

Nginitian ko si Ayah at binalingan ang asawa ko.

"Ako na ang bahala bukas, Veron," sambit ko at kinagat ang pang-ibabang labi.

He's mad. I can feel it. The way he looked at me earlier, alam kong hindi nito nagustuhan ang nangyari kanina.

Noong makarating kami sa unit namin, agad kong binilinan si Ayah na magbihis na. She can change her own clothes now. Talagang mabilis itong matuto at kahit ang pagbihis ay nais niyang siya na ang gumawa para sa sarili niya.

"Veron," tawag ko sa asawa at sinundan ito patungo sa kusina namin. "Are you mad at me?" Nag-aalangang tanong ko sa kanya.

Humarap sa akin si Veron at matamang tiningnan ako.

"I'm not mad at you, Amari. I'm just worried. Ang akala ko'y napano ka na kanina." Aniya at mabilis na hinila ako papalapit sa kanya. "Don't do that again."

"I'm really sorry, Veron."

"I'm sorry too, Amari, pero hindi na kita papayagang umalis mag-isa." Aniya na siyang ikinatigil ko.

"What do you mean by that?" Kunot-noo kong tanong dito. "Veron, kaya ko na. Maayos na ang pakiramdam ko. Hindi ba sabi ng doktor ko ay mas makakabuting lumabas ako kahit papaano?"

"Hindi natin alam kung kailan aatake ang sakit mo, Amari. Mabuti na ang nag-iingat." Ani Veron at hinaplos ang mukha ko. "I almost lost you before. I can't afford to lose you again this time. May anak na tayo, Amari. Dapat lang na mag-ingat tayo. Para kay Ayah, kailangan ingatan natin ang mga sarili natin."

"Pero..."

"Amari."

Hindi ako nakapagsalita at napabuntong-hininga na lamang.

"Alright," sambit ko at tumango. "I'll do whatever you say."

"This is for you," ani pa ni Veron at marahang hinalikan ako sa labi ko. "I love you."

"I love you, too." I said and just like before, I felt empty saying those words to him.

Love. Do I really love him?

Damn it! This is not good!

IAH2: Remembering The First BeatWhere stories live. Discover now