Chapter 10: Lie

860 47 6
                                    

Maingat akong naupo sa upuan sa gilid ng kama ni Ayah at tahimik na tiningnan ang mahimbing na pagkakatulog nito.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi at pilit na nilalabanan ang paghikbi. Napapikit ako at mabilis na pinunasan ang mga luhang kanina pang ayaw tumigil. Napasinghap ako at mabilis na iniling ang ulo.

No. I need to calm down. I need to clear my mind. I need to stop crying, for Pete's sake! Kapag makita ako ni Ayah sa ganitong kondisyon ay tiyak kong mag-aalala ito sa akin. She's a smart kid. She can definitely tell something's wrong with me. I need to stop this. I need to be strong for her. I need to be okay for my daughter.

Daughter.

My daughter. Si Ayah... anak ko nga ba?

"Please, Veron. Sagutin mo ako! Anak ko ba si Ayah?"

Hindi pa rin nagsalita si Veron. Nanatili itong nakayuko at noong mamataan ko ang paggalaw ng balikat nito, noong marinig ko ang  mahinang pag-iyak nito, mabilis akong napalayo sa kanya.

Kahit hindi na niya sagutin ang tanong ko sa kanya. Kahit hindi na manggaling sa kanya ang sagot na nais kong marinig, alam ko na. Alam ko na ang sagot sa tanong. Alam ko na.

"Bakit, Veron? Paano mo nagawa ito sa akin?" Nanghihinang tanong ko dito at marahang pinunasan ang mga luha. "I trusted you. I... I never doubted every words you said to me!"

"Amari..."

"Babalik na ako sa silid ni Ayah." Mabilis na turan ko noong tiningnan niya akong muli. "Baka gising na ito." Dagdag ko pa at humugot ng isang malalim na hininga. "Huwag mo muna akong kausapan. I... I need to be alone and calm myself first."

"Iiwan mo na ba kami ni Ayah, Amari?" Tanong ni Veron na siyang ikinatigil ko.

Iiwan? Iiwan ko sila? Sila na tinuring kong pamilya sa loob ng apat na taon? I don't think I can do that.

"No." Seryosong saad ko na siyang ikinatigil naman ni Veron. "I'll just... I'll just check Ayah, Veron. Magtrabaho ka na lang muna. I... I know you're busy right now, Veron. Don't worry about me. Hindi ako aalis," wika ko pa at tuluyan nang umalis sa opisina nito. 

Muli akong napabuntong-hininga at tahimik na tiningnan si Ayah. Maingat kong inangat ang kamay ko at inaplos ang maliit na pisngi nito. 

"Bakit nangyayari ito sa atin, anak?" Napaluha muli ako. "Bakit kailangang mangyari ito sa atin?" Mahinang bulong ko dito at muling hinaplos ang mukha nito. "Kahit anong mangyari, ako pa rin ang mommy mo. Kahit... kahit na bumalik ang mga alaala ko, you'll still be my baby, my daughter." Dagdag ko at inilayo ang kamay sa mukha ng bata.

Maingat kong sinubsob ang mukha sa gilid ng kama nito at doon pinagpatuloy ang pag-iyak.

Ang sakit. Sobrang sakit nang nararamdaman ko ngayon. Tila pinipiga ang puso ko sa tindi nang sakit. Bakit nga ba kailangang maramdaman ko ito? I am happy. I'm happy with Ayah and Veron! Kontento na ako sa pamilyang ito! Bakit kailangan magulo ang pamilyang nagpasaya sa akin sa loob ng apat na taon? Bakit kailangang maramdaman ko ito? 

"Amari..."

Naalimpungatan ako noong makarinig ako ng boses. Maingat kong ginalaw ang ulo ko at umayos sa pagkakaupo. Hinawi ko ang buhok sa mukha at tiningnan ang taong tumawag sa akin.

"Sasa." Mahinang tawag ko at binalingan si Ayah. Tulog pa rin ito hanggang ngayon. Muli kong tiningnan si Sasa at tumayo mula sa pagkakaupo. "Kanina ka pa ba?" Tanong ko dito at hinilot ang brasong namamanhid ngayon dahil sa pag-unan ko dito kanina.

"Kakarating ko lang," aniya at tiningnan ako nang mabuti. Naglakad ako patungo sa maliit na refrigerator sa private room ni Ayah at kumuha ng tubig doon. Maingat akong uminom dito at hinarap si Sasa. "Ayos ka lang ba, Amari? Namamaga ang mga mata mo." Pahabol na tanong nito sa akin.

IAH2: Remembering The First BeatDonde viven las historias. Descúbrelo ahora