Chapter 5: Picture

1K 55 11
                                    

"What?" Napatayo ako sa kinauupuan at hindi makapaniwala sa mga narinig mula sa doktor ni Ayah. Napatingin ako sa anak ko at napakagat ng pang-ibabang labi.

"Your daughter needs an urgent surgery, Mrs. Mejia." Ulit nito at binalingan si Veron. "May namuong dugo sa ulo nito kaya naman ay kailangang maoperahan na ito sa lalong madaling panahon."

"Veron," tawag ko sa pangalan ng asawa at binalingan ito. Mabilis na hinawakan ni Veron ang kamay ko at marahang pinisil ito.

"Ayah will be fine. Nakausap ko na ang doktor na mag-oopera dito. He's one of the best doctor we have here. She's in good hands." Seryosong sambit nito at binalingan si Ayah. "Our daughter will be fine, Amari."

Tumango ako kay Veron at tiningnang muli ang mapayapang natutulog na si Ayah. Nilapitan ko ito at marahang hinaplos ang pisngi nito.

"Be strong, baby." Naiiyak na sambit ko at hinalikan ang noo nito. "You're a fighter like mommy, remember?" Dagdag ko pa at muling hinaplos ang mukha ng anak. She'll be fine. I can feel it. My daughter can overcome this one. She will definitely be okay after the surgery.

Tahimik akong nakaupo ngayon sa labas ng operating room.

Mahigat isang oras na rin ang lumipas simula noong magsimula ang operation ni Ayah at hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita sa kalagayan ng anak. Halos hindi rin ako mapakali sa kinauupuan ko at panay ang tingin ko sa pinto ng operating room.

I sighed for the nth times. Calm down, Amari. Calm down, please. 

"Ayah," mahinang bulong ko at kinagat ang pang-ibabang labi ko. Ikinuyom ko ang mga kamao at humugot ng isang malalim na hininga. Kahit anong gawin ko, hindi ko maikalma ang sarili! Kahit na ilang beses na sinabi sa akin ni Veron na magiging maayos ang lahat, hindi pa rin mapanatag ang kalooban ko.

Napayuko ako at humugot na lamang muli ng isang malalim na hininga. Damn! Kahit anong gawin ko, tila kinakapos pa rin ako ng hininga!

This is my daughter. Siya ang nasa loob ng operating room. Sa pagkakataong ito, siya at hindi ako ang nasa loob ng silid na ito.

"Mag-isa ka lang?"

Mabilis akong napaayos nang pagkakaupo at napatingin sa nagsalita. Gulat ko itong tiningnan at hindi nakakibo sa kinauupuan.

"Can I?" Tanong muli nito sa akin habang tinuturo ang bakanteng puwesto sa tabi ko. Hindi ako nakapagsalita at napatango na lamang sa kanya. "Bakit mag-isa ka lang dito? Where's your husband?" Muling tanong nito na siyang mabilis kong ikinakurap ng mga mata ko.

"May pasiyente itong inaasikaso," mahinang turan ko at nag-iwas nang tingin dito.

Ang buong akala ko'y namalik-mata lang ako sa may lobby  kanina! And now, he's here! He's sitting beside me, in flesh!

"Anong ginagawa mo dito, Xavi? May dinalaw kang pasiyente dito sa ospital na ito?" 

"No," mabilis na sagot nito at maingat na sinandal ang likuran sa backrest ng upuan. "I just visited a friend. Hindi ko ito nakita sa opisina niya at ang sabi sa akin ay may urgent surgery ito ngayon kaya naman ay pumunta na ako dito sa may operating room."

Natigilan ako at napatingin sa O.R. kung nasaan ang anak ko. Ito lang ang operating room ngayon na occupied sa palapag na ito. Mukhang ang surgery ni Ayah ang urgent surgery na tinutukoy nito.

"Don't worry, Amari. Douglas is a great surgeon. He'll save your daughter," rinig kong sambit ni Xavi sa tabi ko at noong mamataang tumayo ito, natigilan ako. "Aalis na ako. Ayaw kong makaabala sa'yo ngayon. Mag-focus ka muna sa anak mo."

Tahimik akong tumango kay Xavi at noong tinalikuran na niya ako at nagsimulang ihakbang ang mga paa palayo sa akin, mabilis akong napatayo at tinawag ang pangalan nito.

IAH2: Remembering The First BeatWhere stories live. Discover now