Chapter 8: Call

785 45 0
                                    

Sunod-sunod ang naging schedules ni Veron sa may operating room niya. Ni hindi ko ito makausap nang maayos dahil halos nasa operasyon na ang buong atensiyon nito. Noong una ay nais niyang ipagpaliban ang mga ito ngunit dahil matagal na itong naka-schedule, walang nagawa si Veron kung hindi ang tapusin nang mabilis at maayos ang trabaho.

He's a doctor.

After all, mas kailangang unahin nito ang mga pasiyente niya kaysa sa sariling problema. Ayah's fine now. Ligtas na ito kaya naman ay bahagyang nabawasan na rin ang mga alalahanin ni Veron sa amin.

Tatlong araw na rin ang lumipas simula noong maaksidente si Ayah. Gising na ito at ngayon ay nagpapagaling na lamang. Hindi biro ang naging sugery nito kaya naman ay todo ingat kami sa pag-aalaga sa anak namin. Ni hindi pa nga ito makapagsalita nang maayos. Tanging tango lang ang tugon nito sa akin tuwing kinakausap ko ito. Ang sabi ng mga doktor niya, bigyan pa raw namin si Ayah ng sapat na panahon para maka-recover. Soon, magiging maayos na rin ito at babalik sa normal.

"Good morning, Mrs. Mejia," bati sa akin ng nurse na naka-assign sa anak ko. Binati ko ito pabalik at tiningnan ang ginagawa nitong pag-check sa kalagayan ni Ayah. "She's doing great, Mrs. Mejia. You don't have to worry about your daughter." Sambit pa nito at hinarap ako. Isang tipid na tango ang ginawa ko dito at noong makita ko ang tila nag-aalangang ekspresiyon nito, napakunot ang noo ko.

"Is there a problem?" Tanong ko at binalingan si Ayah. Bigla akong kinabahan sa ekspresiyon nito. May mali ba kay Ayah? Jesus! Mukhang maayos naman ang anak ko! Abala nga ito ngayon sa paborito nitong laruan at noong tingnan kong muli iyong nurse niya, natigilan ako noong may kinuha ito sa bulsa niya.

"Someone gave this to me earlier, Mrs. Mejia." Aniya at may inabot sa akin na isang piraso ng papel. "She told me to give this to you."

Tila nabunutan ako ng tinik sa narinig mula sa kanya. Thanks God at hindi ito tungkol sa anak ko.

Pero, ano raw?

"What is this?" Maingat na tanong ko dito at tinanggap naman ang papel na inilahad nito sa akin.

"Uhm... I don't know. The moment she gave me the paper, she immediately leave, Mrs. Mejia."

"Oh," iyon na lamang ang nasambit ko at binuklat ang papel. Napakunot namang muli ang noo ko noong makita ang mga numerong nakasulat dito. A contact number? Kanino naman kaya ito?

"I'm done checking the patient's condition, Mrs. Mejia. I'll be back after an hour." Sambit ng nurse at nagpaalam na sa akin. Gusto ko pa sana ito tanungin tungkol sa babaeng nakausap nito kanina ngunit hindi ko na ito inabala pa. Nagpasalamat na lamang ako dito at hinayaang makalabas na ito sa private room ni Ayah.

Napakagat na lamang ako ng pang-ibabang labi at ibinulsa ang papel na ibinigay ng nurse sa akin. Muli kong nilapitan si Ayah at naupo sa upuan sa may gilid ng kama nito.

"Ayah, that's enough. You need to take some rest again, sweetheart." Wika ko sa anak at kinuha ang laruan nito. Itinabi ko ito at inayos ang kumot nito sa katawan. Tahimik namang tumango sa akin si Ayah at inalalayan ko na itong mahigang muli sa kama niya. Maingat kong hinaplos ang pisngi ng anak ko at nginitian ito. "Rest, baby. Hindi aalis si mommy. Babantayan kita."

Ipinikit na ni Ayah ang mga mata nito. Tahimik ko itong pinagmamasdan at noong nasiguro ko nang tulog na ito, tumayo ako mula sa pagkakaupo at nagtungo sa maliit na mesa sa loob ng private room nito. Inayos ko ang mga prutas na naroon at maingat na kumilos sa loob ng silid. Mayamaya lang ay tumunog ang cellphone ko kaya naman ay agad kong tiningnan kung sino ang tumatawag. Mabilis ko namang sinagot ito noong makitang si Veron iyon.

"Veron," sambit ko binitawan ang mansanas na hawak-hawak.

"I'm done with my surgery," aniya sa kabilang linya. "But our chief  called an emergency meeting. Pupunta agad ako riyan pagkatapos nito."

IAH2: Remembering The First BeatWhere stories live. Discover now