Chapter 12: Death

813 51 6
                                    

Napako ako sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi ni Sasa akin. Paulit-ulit itong nag-echo sa tenga ko hanggang sa napapikit ako dahil sa biglaang pagkahilo. Napaatras ako dito at wala sa sariling napatingin sa loob ng emergency room.

"Amari..."

"No," mahinang wika ko dito at mabilis na napailing. "He... he can't be dead, Sasa. Kausap ko pa lang ito kanina. No... Hindi iyan totoo."

"Amari," mahinang tawag muli ni Sasa sa pangalan ko at pilit na inabot ang kamay ko. Nanatili pa rin ako sa kinatatayuan ko ay noong mahawakan niya ako ay mabilis niya akong hinila at muling niyakap nang mahigpit. "I'm so sorry, Amari. I'm sorry. He fought hard, Amari. Lumaban si Veron pero hindi na nakayanan ng katawan niya ang damages na natamo nito. I'm so sorry."

"No!" Sigaw ko at nanghihinang napaupo. "No. That's not true! Hindi pa patay ang asawa ko! Kasama pa lang namin ito kanina. Hinatid pa niya kami kanina ni Ayah sa eskwela nito. Hindi... hindi puwede ito, Sasa."

"Sasa!" Rinig kong tawag ni Xavi sa kaibigan ko ngunit hindi ko na ito pinansin pa. Napayuko ako at hindi na napigilan pa ang mga luha. Napatakip ako sa bibig ko at sumigaw muli. "No, please. Not him... He can't do this to us. Not my husband, please!"

"Amari, come on. Huwag kang maupo dito," wika ni Xavi at nilapitan kami ng fiancee nito. Umiling ako dito at nagpatuloy sa pag-iyak. "Amari..."

"Let her be, Xavi. Let her cry," mahinang turan ni Sasa at muling niyakap ako. Isinubsob ko ang mukha sa dibdib ng kaibigan at doon pinagpatuloy ang pag-iyak.

Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nakasalampak ni Sasa sa sahig ng ospital. Natigil na lamang ako sa pag-iyak noong may lumapit sa amin at sinabi na puwede ko nang makita ang katawan ng asawa ko. Wala sa sarili akong napatango at maingat akong inalalayan ni Sasa at Xavi sa pagtayo.

"We're here for you, Amari," bulong ni Sasa sa akin noong nasa labas na kami ng silid kung nasaan ang katawan ni Veron. "Hindi na kami papasok ni Xavi. Dito na lang kami sa labas. Hihintayin ka namin dito, okay?"

Tipid na tumango ako kay Sasa at binitawan na nito ang kamay ko.

Dahan-dahang binuksan ng isang staff ang pinto at nagsimula na akong humakbang papasok doon. Tahimik ang bawat hakbang ko at noong may nakita akong isang katawan sa loob ng silid, mabilis akong napatigil sa pagkilos ko. Napatakip ako ng bibig ko at nag-unahan na naman ang mga luha ko sa paglabas sa mga mata ko.

Isang hakbang pa ang ginawa ko at tuluyang isinara ng staff ang pinto ng silid. Hindi ko na ito binigyan pansin pa at hindi inalis ang paningin sa katawan.

Ilang minuto akong nakatayo at panay iyak lang habang nakatingin sa katawan ng asawa ko. Hindi ko pa nakikita ang mukha nito pero halos mamatay na rin ako sa sakit ng puso ko. I don't know if I can do this! Hindi ko alam kung kaya kong makita ang walang buhay na katawan ni Veron!

"Mommy? Is daddy okay?"

Lalo akong napaiyak noong maalala ko ang naging usapan namin kanina ni Ayah. Napalunod na ako at halos hindi na makahinga dahil sa lakas nang pag-iyak ko.

"No, Veron," I cried as I held my shirt on my chest. "Please, no. You can't be here. Mali ito!"

"I don't want to see daddy crying that's why I pretended to be asleep. I don't want to hear him cry. I love daddy, mommy!"

"Paano na si Ayah, Veron? No, please." Napayuko na ako at hinampas ang kamay sa may sahig. Mas lalong lumakas ang pag-iyak ko at tuluyan nang hindi nakalapit sa katawan ni Veron.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nanatili sa may sahig at noong bahagyang kumalma na ako mula sa pag-iyak ay pilit kong itinayo ang sarili. Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko ngunit hindi ko na ito binigyan pansin pa. Nanghihina kong inihakbang muli ang mga paa hanggang sa tuluyang makalapit ako sa mesa kung saan naroon ang katawan ng asawa ko.

IAH2: Remembering The First BeatWhere stories live. Discover now